"Uy, Gon! Daan muna tayong Burger King please? May bagong specialty kasi sila!"
He took a sec glance at me then back to the road. "What would you buy there, huh?" he asked.
With twinkling eyes, "Flamed-Cheese Burger! Hihi. Libre kita!" I said but eventually frowned upon realizing his question. "Try mong bumili ng bigas sa Burger King!"
"Ang takaw mo," he commented. "...at ang pilosopo mo, young lady."
I giggled. "Huwag kasing magtatanong ng patanga kung ayaw nating mabara, ha?" sabi ko.
"At huwag ka ding umasta na akala mo okay na tayo, ha?"
Naitikom ko naman agad ang aking bibig dahil sa tinuran niya. Oo nga naman, hindi pa kami okay since last night!
At kaya kami nasa kasagsagan ng biyahe ay dahil kakatapos lang ng klase namin ngayong araw. At may dalawang oras pa naman kaming vacant bago ang sunod na klase kaya okay lang lumabas ng campus.
Pupunta talaga kami sa bahay nila Thalia ngayon. Dahil may pag-uusapan daw sila. Ayaw niya pa nga sanang kasama ako dahil baka daw makipaglandian lang ako, me-medyo-han ko lang naman, sa pinsan niya pero wala din siyang nagawa dahil bodyguard ko siya.
Kukuhanin ko na din ang pagkakataong iyon upang kausapin si Siegfried ukol sa pretend boyfriend ni Andi para hindi siya maipakasal sa lalaking hindi naman niya mahal.
Sakto, kasama pa naman namin ito. Nasa likod lang ng sasakyan namin ang sasakyan niya. Pareho naming papakiusapan si Sie.
Sʼyempre, sesegway na din sa panlalandi. Goodness. At dapat---mapapapayag ko siya! Kay Andi pretend boyfriend lang pero sana sa akin pa rin siya hahantong bilang real girlfriend!
Pero bago kami tuluyang dumiretso doon, sinabi ko kay Gon na dumaan muna sa Burger King. Medyo malayo pa kami. Located iyon sa tapat noong Villa Remedios, nasa may Caltex pa lang kami.
Kalagitnaan ng aming biyahe, nagsalita akong muli. "Gon? Hindi na ba aalis si S-Siegfried? I mean, hindi muna siya babalik sa Spain, hehe." tanong ko, trying to hide my kilig.
"Bakit sa akin mo tinatanong?" masungit na sagot niya sa uring patanong. "Ask him later, tss."
Ay? Sungit, ah.
Hindi ko na lamang siya pinansin. Sumulyap ako sa likuran ng sasakyan namin upang tingnan kung nakasunod pa rin sa amin ang sasakyan ni Andi. Convoy kasi kami. Dapat nga ay isasabay na namin siya sa sasakyan pa iisa na lang ang dala namin pero dahil sa taglay na kasungitan ni Gon, hindi nangyari!
"Dapat kasi isinabay na din natin si Andi, Gon, e. Napakasungit mo kasi sa kaibigan ko, goodness." ngiwing sabi ko.
"My attitude depends on the person whom I talking to." depensa nito.
"Ang bait kaya ni Andi! Tapos kung i-trato parang virus! Ayaw na ayaw mong madikit sa kanya!" I retorted.
He snarled. "Tsk. I hate clingy women. Sheʼs one of the women and is clingy so, I hate her."
I rolled my eyes at him. "Edi wow,"
I chatted Andi na mag-stop kami sa BK dahil bibili ng burger na flamed-cheese. Kaya naman nang makarating kami sa BK, agad akong bumaba kasunod si Gon. And kasunod naman namin si Andi.
"Ano bang naisipan mo at bibili ka ng flamed-cheese burger, huh?" tanong ni Andi nang makapasok kami.
"Nalaman ko kasi ang bagong specialty nila at gusto kong tikman! Hihi. Tara, bili na tayo."
Matapos makabili ng burger na gusto ko ay bumalik na kami sa sasakyan, gayundin si Andi. Nagmaneho muli si Gon patungong bahay nila Thalia.
Ako naman ay kumakain ng flamed-cheese burger habang nasa biyahe. Nilibre ko sila pareho ni Andi. Nakakakalahati na ako sa burger, hindi pa rin kinakain ni Gon ang kanya.
Ah, baka mamaya?
Hindi ko na lang pinansin. Imbes, nilasap at in-enjoy ko ang pagkain sa aking burger!
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila Thalia. Agad namang bumaba si Gon at pinagbuksan ako ng pinto. "Thanks," saad ko at bumaba.
Lumabas din si Andi sa sasakyan niya at lumapit sa akin. "Baka hindi tayo makaabot sa susunod nating klase, Alli!" bulong nito sa akin habang naglalakad kami pasunod kay Gon.
"Hayaan mo na hihi. Ngayon lang ulit tayo magka-cutting, e." sagot ko dito.
Kinurot ako nito sa tagiliran. "'Yan tayo, e. Basta usapang cutting, go lang! Gowd, Alli." aniya.
Nang tuluyan kaming makapasok sa bahay, inanyayahan kaming maupo ni Thalia sa sofa. "Gosh, girls! I didnʼt expect that youʼre with kuya Gon!" masayang bati niya.
Nakatinginan naman kami ni Andi sandali bago muling ibalik sa kanya ang mga mata.
"By the way, what brings you here pala?" she asked then seat on the single sofa, adjacent to where we are sitting.
I looked at Gon. "A-Ah, napasama lang. Hehe," sagot ko na lang.
She chuckled. "Dahil kay kuya Sie kaya kasama ka Alli! At dahil kasama naman ni Alli si kuya Gon, sumama ka din Andi, ano?! Hahahaha! Mga style niyo, girls!" she teased.
Kanya-kanya naman kaming iwas ng tingin ni Andi. Kunyare ay abala sa pagtingin sa kabuuan ng bahay nila pero nagtatago lang talaga kami ng kilig at pamumula ng mukha!
Nawala kami sa usapan nang sandaling magsalita si Gon. Nakaupo siya sa katapat naming sofa at nakapatong ang parehog braso sa hangganan ng sofa at nakatingin sa sahig.
"Baby," tawag niya.
"Yes, baby?" sagot ni Andi nang palihim, ako lang ang nakakadinig at humagikhik pa.
I winced. "Si Thalia tinatawag, oy." sabi ko dito, pabulong din.
"Wari nga, e."
Natigil kami sa pag-uusap nang magsalita si Thalia, dahilan upang matuon sa magpinsan ang pareho naming mga atensyon at mga mata.
"Yes, kuya?"
Gon looked at her. "Si Siegfried?" tanong niya.
Oh, thatʼs my baby!
Thalia smiled. "Actually, padating na siya. Pinuntahan niya lang sa Camella si kiya Ace," she said.
Napatango-tango naman si Gon sabay sulyap sa akin. "Weʼll wait him," he said.
Thalia scanned my wholeness and Andi. "Cutting kayo, girls?" she asked, accusingly.
Sasagot na sana ako kaya lang naunahan na naman ako ni Gon. "Alliʼs not cutting. Andi is." he answered dahilan upang manlaki ang mga mata namin ni Andi!
"Eh? Gosh, girls!" hindi makapaniwalang sambit ni Thalia, napahawak pa ito sa parehong pisngi. "Ang bad, ah! Ang bad."
I glared at Gon. "Donʼt believe in him, Thalia! Heʼs nagsisinungaling!" I defended.
He smirked. "Gusto mo din namang mag-cutting, hindi ba? Para makasulyap sa pinsan ko," bintang niya.
I arched a brow. "Excuse me?"
"Tss. Kunyari ka pang hindi nagkakagusto, ah. Sa pinsan ko pala---patay na patay ka." asar nito at talagang naniniring pa.
"A-Asa ka," I stammered. "...patay na patay daw."
"Ahahahahahaha! Gosh, gosh! Kung wala lang gusto si Alli kay Kuya Siegfried, Kuya Gon? Iisipin kong---type niyo ang isaʼt-isa! Ops, Andi---no offense meant kay Kuya Gon, hehe."
I glared at Thalia, napatikom naman agad ang kanyang bibig ngunit nagpipigil pa rin ng tawa. Dinig ko naman ang mahihinang pagmumura ni Gon kaya lumipat sa kanya ang aking masamang tingin.
"Donʼt glare at me, young lady." he warned. "I like no one, tss."
Sarap batuhin ng unan na hawak ko!
Nasa ganoʼn kaming lagay nang madinig namin ang boses ni Sie-baby na kakapasok lang ng bahay!
"Thalia, is Gon here---"
Natigilan siya sa pagsasalita nang tumama ang mga mata niya sa amin. Naningkit pa nang bahagya ang natural na mapupungay niyang mga mata, lalo na nang dumako ang mga iyon sa akin!
Baby! Hihi.
Naglakad ito papalapit sa gawi namin. Naupo din sa katabi ni Gon, katapat ng upuan namin ni Andi. At nagawa niya iyon nang hindi inaalis ang mga mata sa akin!
Goodness!
"Wala ba kayong pasok, Alli? What are you doing here?" he asked, concern.
I prevented myself from smiling so damn wide. "...sumama kami kay Gon, hehe. M-Mag-uusap daw kasi kayo," sagot ko.
Ramdam ko ang malalamig na titig sa akin ni Gon ngunit hindi ko na lang pinansin. Ang gwapo ni Siegfried ngayon, grabe!
Napatango-tango naman siya habang pinaglalaruan ang hikaw sa gilid ng kanyang labi, bagay na mas nagpa gwapo sa dating niya!
Just then, napatingin ito kay Andi na may inosenteng tingin. Bahagya lang din siyang ngumiti bago ilipat ang mga mata kay Gon. "Ano nga ulit sasabihin mo?" he asked.
Gon smirked and poited Andi. "About her case," he replied back.
Nangunot ang noo ni Sie dahil sa sinabing iyon ni Gon. Kasabay niyon ay ang pagtayo ni Thalia upang sagutin ang tawag sa phone niya kaya nagpaalam ito sa amin, naiwan kaming apat dito sa sala.
Sie-baby looked at Andi. "Whatʼs with her?" he curiously asked.
Nagkatinginan kami ni Andi sandali at muli ding ibinalik sa kanilang magpinsan ang mga mata.
"Andi, sabihin mo na sa pinsan ko. Iʼm just helping Alli so here," kibit-balikat na sabi ni Gon.
Andi gulped ans she stared back at Sie. "K-Kasi,"
Sie then smiled. "Sabihin mo na. Hindi naman ako nangangagat, pft. And if it means, helping Alloira? Iʼm more than willing to help you out," aniya at sumulyap sa akin!
Abaot-abot naman ang naramdaman kong pagtatalon ng aking puso dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay gusto niya din ako!
Goodness, goodness!
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming apat. Sigurado, t***k lang ng aking puso ang madidinig! Hindi ako maka-move on doon sa sinabi ni Sie-baby, hihi!
Hanggang sa i-rektang sabihin na ni Andi ang nais.
"Siegfried Monrad La Galliene..." banggit nito sa buong ngalan ng aking mahal.
"Yeah?"
I gulped nang biglaang magtama ang mga mata namin ni Gon!
"...be my boyfriend."