Two and a half months later MASAMA ang pakiramdam ni Misha. Ikatatlong tulog na niya iyon ngayong araw pero hindi pa rin noon naiibsan ang sama ng kanyang katawan. Alas kuwatro y medya na ng hapon. Kung ipagpapatuloy niya pa ang pagpapahinga, wala na naman siyang magagawa. Wala naman siyang pasok ngayong araw. Ganoon pa man, kailangan niyang harapin ang responsibilidad niya bilang may bahay. Darating ngayong gabi ang matalik na kaibigan ni Duke na si Sean. Mahigit isang taon na nanatili ito sa America kaya na-miss ni Duke. Niyaya nito ang lalaki na sa bahay muna nila magpalipas ng gabi bago umuwi sa bahay ng pamilya nito sa Batangas. Kailangan na ipaghanda ni Misha ang pagdating ng lalaki. Sean is a big man. Isa pa, special request rin nito na ipaghanda niya ito. Gusto raw nit

