NAPAKUNOT-NOO kaagad si Duke nang maggising siya. Alas siyete y medya na ng umaga. Pareho naman silang walang pasok ni Misha sa trabaho. Bilang may bisita rin sila sa bahay, inaasahan niya na maagang gigising ito. Pero sa halip, tulog na tulog pa ang kanyang asawa. Napabuntong-hininga si Duke. Nakakahiya kay Sean. Binida pa man rin niya si Misha rito kagabi---kung ganito ito kabuti at kaasikaso na asawa. Pagkatapos ngayon ay hindi pa pala sila nito maasikaso. Hindi na dapat palakihin na issue iyon ni Duke. May mga kasambahay siya na binabayaran para mag-asikaso sa kanila. Pero siguro ay pinapangunahan siya ng makaluma niyang bahagi. Gusto niyang asikasuhin sila ng asawa dahil iyon naman talaga ang responsibilidad nito. Sadyang mabilis uminit ang ulo niya kaya siguro nainis si

