DALA na rin siguro ng kondisyon kaya nakatulog na naman si Misha. Sa sasakyan pa lamang nang pauwi sila ni Duke galing sa ospital ay alam niyang naggawa na niya iyon. Naggising na siya ngayon sa kama nila na mag-asawa. Nakakain sila ni Duke sa ospital kaya walang nararamdamang gutom si Misha. Ginawa nila iyon habang inaantay ang kumpirmasyon ng Doctor sa kondisyon niya. Inamin kasi ni Misha ang kanyang lagay sa Doctor. Kailangan nila na magpa-second opinion. Pero totoo nga na nagkakaroon ng milagro: buntis si Misha. May araw pa naman ng maggising si Misha. Maayos rin ang pakiramdam niya. Bumangon siya ng kama. Hinanap niya si Duke. Mabilis naman niya itong nakita. Kasalukuyan itong nasa terrace ng kanilang kuwarto. Naninigarilyo ito. Bihirang manigarilyo si Duke. Ginagawa la

