Two Years Ago HINDI nakikipagsosyalan si Misha. Bihira siyang dumalo ng mga parties. Exception nga lamang ang parties na may kinalaman sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang ama---The Silver Hotels. Hindi puwedeng hindi siya dadalo bilang nag-iisang anak ng may-ari. Lalo na ngayong ika-silver anniversary rin ng kompanya. Bongga ang event. Pero dahil hindi sanay si Misha sa ganoong sitwasyon, nabo-bored siya. Ano namang gagawin niya roon? Wala siyang masyadong kaibigan, lalo na ang mga tao sa alta-sosyalidad. Madalas kasi ay nasa bahay lang siya. Ganoon rin ang nahihiling niya sa ngayon. Magugustuhan niya pa na magbasa ng libro o 'di kaya ay manood ng TV kaysa ang tignan ang mga nagniningningan na kasuotan at paligid. Gusto ng tumakas ni Misha. Hindi naman kasi siya maka-rela

