ANG BUONG akala ni Duke ay isang gabi lang si Misha na mananatili sa ama nito. Nagpunta raw ang kanyang asawa sa bahay ng ama nang tanungin niya ang kanilang mga kasambahay kung nasaan ito nang hindi niya maabutan sa bahay. Pero tatlong araw na ang nakalilipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Mas lalong lumala ang inis kay Duke. Matigas talaga ang asawa niya. Parang hindi na ito ang Misha na kilala niya. Pero siguro nga ay sadyang may mali sa relasyon nila: hindi nila lubos na kilala ang isa't isa. Hindi niya naisip na magiging ganoon katigas ang ulo ni Misha. Mali man sa paningin ng iba ang ginagawa niya, para rin naman iyon sa kanyang asawa. Hindi gusto ni Duke na mawala si Misha. He cared for her too much. Ang tatlong araw nga na wala ito sa tabi niya ay naliligalig na siya

