ALL'S WELL that ends well. Sa kaso nila Duke at Misha, sa una pa lamang ay hindi na maayos ang lahat. Alam nila na at risk ang pagbubuntis ng asawa dahil sa history ng pamilya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi pa rin iyon natatapos ang hirap ng pagbubuntis ng asawa. Mas lalo pa na naging at risk ang pagbubuntis nito. "Kailangan nating isailalim sa cerclage procedure si Misha, Duke," wika ng Doctor ni Misha na si Betty. Kilala niya ito dahil kaibigan ito ni Misha. "A-anong cerclage procedure? Ano bang nangyari sa kanya?" "She had an incompetent cervix. Iyon ang dahilan ng bleeding. Bumibigat ang bata at nagkakaroon iyon ng pressure sa cervix niya. It causes the cervix to start to open before the baby is ready to be born. "Nasabi sa akin ni Misha na may lahi sila na n

