NAPAKAGANDA ng ngiti ni Misha habang tinitignan ang natutulog na anyo ni Duke. Alas otso pa lamang ng gabi pero bagsak na kaagad ito sa kanyang tabi. Ang layunin ay ang mapatulog siya pero nauna na ito. Ganoon pa man, sa halip na mainis ay natuwa pa si Misha. Kay sarap panoorin ni Duke. Napakaamo ng mukha nito habang natutulog. Walang-wala ang matapang at aroganteng Duke na kilala at kinatatakutan ng marami. He looked like a baby sleeping. Napakapayapa. Hindi rin napigilan ni Misha na paglandasin ang kamay sa makinis na pisngi ng asawa. Sa itsura pa lang, panalong-panalo na si Misha sa asawa. Magaan ang pakiramdam ni Misha. Nagiging tuwid na ang daan sa pagitan nila ni Duke. Nararamdaman na kasi niya ang pagbabago sa asawa. Nagiging mainitin pa rin ang ulo nito pero nagagawa

