MABIGAT ang ulo at katawan ni Duke nang maggising. May ideya na siya kung bakit. Mag-aalas dos na ng madaling araw nang makatulog siya. Kulang pa siya sa tulog. Pero mas sumama yata ang gising ni Duke nang hindi niya matagpuan si Misha sa kanyang tabi. Napabalikwas siya ng bangon. Kung dati ay sanay siya na nauunang gumising sa kanya si Misha, hindi na ngayon. Sa loob ng isang linggo na tumira muli sila sa bahay, tinupad niya ang pangako rito. Minabuti ni Duke na hindi na pumasok sa kanyang trabaho. Mahirap dahil kapareho niya ay naka-leave rin ang buntis na sekretarya. Pero hinayaan niya na ang isa sa mga manager ng kompanya ang pumasan ng lahat. Sinabihan na lang niya ito na kapag may mga kailangan ay saka lang siya tawagan. Hangga't maaari, gusto niyang alagaan si Misha. Ka

