bc

Let the Love Begin

book_age16+
642
FOLLOW
2.3K
READ
love-triangle
fated
second chance
friends to lovers
dare to love and hate
drama
tragedy
campus
self discover
reckless
like
intro-logo
Blurb

Book 1: The Campus Heartthrob Kings and Me

This is the sequel of #TCHKAM

•••••••••

He left me, he rejects me, he broke my heart. I'm so disappointed that I trusted him. So here I am, nagpapahilom ng sugat na nadurog sa sakit. He made my heart colorless until I found the right man for me. He colored my heart again.

Nagsimula ulit ako, minahal ko siya gaya ng pagmamahal niya sa akin. Masaya na kami hanggang sa bumalik ako sa Pilipinas at ginawa ulit niyang COMPLICATED ang lahat.

He told me that he still loves me. Maniniwala pa ba ako? Babablik ba ulit ang dating nararamdaman ko sa kaniya? Cause love will let us begin again o tanggapin na lang na wala na talaga?

"You have to understand that people can go. That's life. Stop holding on to those who have let go of you long ago."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Claire PoV “Hoo! Boring!” reklamo ko nang walaa kong kasamang nakaupo rito sa café. “Bibisitahin ko na lang siya,” sabi ko dahil tamang-tama vacant time ko ngayon. Bibisitahin ko na lang si Dominic sa building course nila. Siyempre bilang girlfriend niya alam ko lahat ang schedule niya, at lagi siyang binabantayan. Ngayon lang ulit ako nakatagal ng relasyon, pero kung susukatin mo ang taon ay ito yata ang natagalan ko. Ang una kong boyfriend dati ay umabot kami sa isang taon at kami, umabot na sa isa't kalahating taon. I met him when I was second year college, dahil sa bungguan incident. At doon nag-umpisa ang lahat, ang relasyon namin. Pero siyempre, hindi naman agad-agad naging kami, dumaan din kami sa mahabang proseso bago kami magkahulugan ng loob sa isa't isa. Mga matatamis na salita na aming binibitawan sa isa't isa, mga lambingan namin. Mga ngiti naming kami lang ang nakakaalam na kaming dalawa lang sa mundo. Mga tawanan naming masisilayan na nangangahulugang kami na talaga. Subalit ang nakakainis lang ay ang epal na Mike na 'yon, nakakabanas, nakakasura ang kaniyang pagmumukha. Lagi na lang niya akong kinukulit at inaasar. Minsan napapaisip akong nagseselos ba siya? Pero ano nga ba ang pakialam niya? At ang isa pa ay ang mga walang hiyang mga kaibigan ko rin ay panay ang tukso sa amin. Ilang beses ko na ring sinabing we're not meant to be. Mayroon na akong boyfriend ngayon at 'yon ay si Dominic, my babe. At si Mike, sangkatutak ang babae niya na hindi nauubusan, araw-araw mo siyang may makikitang kasama. Hindi na bale, alam ko namang biro niya lang ang mga iyon dahil nga sa ugali rin niyang mapang-asar at mapagbiro. Sa ilang taon ba naman na kasa-kasama ko sila sanay na ako sa mga diyan, kaya ang ginagawa ko ay sinasakyan ko na lamang ang mga kalokohan ng barkada. Habang naglalakad ako papunta sa bldg. ng classroom niya ay nakita ko sina Melissa at Jerome. Kumaway sila sa akin sa 'di kalayuan, kumaway din ako sa kanila pabalik. "Naks! Pupuntahan niya si Mike," mapang-asar na sabi ni Melissa nang magkasalubong na kami. Inirapan ko lamang ito, "Psh. Asa pa ang isang 'yon." inis kong sabi at nilampasan sila ng ilang hakbang. Umabot pa sa pandinig ko ang pagtawa nila. Hindi pa ako nakakalayo nang may pahabol na sinabi si Jerome, "Magiging kayo rin. Aminin mo Clairey, may kunting feelings ka kay Mike." Aaminin kong may nararamdaman ako sa kaniya pero pinipigilan ko lang dahil hindi kami para sa isa't isa. Noong hindi ko pa kilala si Dominic ay muntik na akong mapaamin sa kaniya, ngunit ang tadhana ay hindi ako hinayaang umamin ng tuluyan. Bago ako nakalayo sa kanila ay lumingon ako sa kanila at isinigaw ang mga salitang ito, "OO, MERON KASO HINDI KAMI BAGAY AT MAY MAHAL NA AKONG IBA." Napatigil naman silang dalawa sa paglalakad at gulat sa sinabi ko.  “Sinasabi ko na nga ba.” sabay ngiti ni Jerome habang si Melissa ay kinikilig. Nagkatinginan pa sa isa't isa ang dalawa at sabay silang sumigaw. “AYIIEE! MAS BAGAY KAYO!" napailing na lang ako. "MANDIRI KAYO!" sumigaw naman ako pabalik. Langya mapapaos na ako sa kakasigaw dito. Umiling na lang sila at muling bumalik sa paglalakad, at maging ako ay nakangising ipinagpatuloy ang paglalakad. Aaminin kong hanggang ngayon may gusto ako kay Mike, as in crush lang naman at hindi ko iyon mahal at alam niyo namang magkaaway na kami since fourth year high school pa. Pero ngayon, hindi na masyado. Hindi na tulad ng dati na gusto ko siyang turuan ng leksiyon sa ginawa niya sa kapatid ko. Dahil kapag ipinagpatuloy ko pa iyon ay baka ako pa ang magiging talo. Hayaan na lang natin siya sa buhay niya kung playboy talaga siya since birth, wala na tayong magagawa. Play girl rin naman ako kaya no need to worry, ngunit nagbago na. Bahala na lang si karma at tadhana kung ano nga ba ang mangyayari sa tulad naming mahilig maglaro sa pag-ibig. Sampung mga lalaki ang niloko ko lang, 'yong bang laro lang para sa akin ang relasyon, samantalang sila ay sineryoso pala nila. Kasalanan ko bang seryosohin nila ang gano'ng relasyon? Sa kanila ko lang naman kasi ibinuntong ang galit ko sa ex ko no'n, ang ex kong umabot kami sa isang taon. Nang makilala ko si Dominic, nagbago na ako. Iba kasi ang dating niya sa akin, kaya itinigil ko na muna ang paglalaro. Nang nakarating na ako sa tapat ng classroom niya ay agad ko siyang nakita. Ngumiti naman siya sa akin at lumabas. Niyakap ko siya at hinalikan naman niya ako sa pisngi. "Busy ka babe?" tanong ko sa kaniya na pinipisil pisil niya ang palad ko at pinaglalaruan niya ang aking daliri. "Hindi babe. Tara gala na muna tayo," aya niya. "Sige, halika na." pagmamadali ko at hinawakan ang kamay niya. Miss ko ng mag-bonding kasama siya. Hanggang sa chat na lang kami nagkakausap at hanggang doon na lang kami nagpapalitan ng mga sweet words sa isa't isa. Hinila ko na siya palayo sa bldg., magkahawak pa ang aming kamay habang naglalakad palabas ng university at nang makasalubong namin si Mike, bumaba ang tingin niya sa aming kamay sabay ngisi niya. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil malamang nagpapapansin na naman. Malapit na kami sa gate nang biglang tumunog ng cellphone niya mula sa bulsa. Napabitaw siya sa pagkakahawak ng kamay ko para makuha ang cellphone niya. Napatingin lang ako sa kaniya habang binabasa niya yung text. Tinitignan ko ang naging reaksiyon niya sa text na binasa. Napakamot siya ng ulo at nanghihingi ng pasensiya ang mukha niya. Taas kilay ko siyang tiningnan nang tumingin siya sa akin. "Babe, I'm sorry,” paumanhin niya. Napasimangot naman ako dahil akala ko makakalabas na kaming dalawa ulit, pero mukgang hindi na naman matutuloy.  Napansin niyang nalungkot ako. “Next time na lang. Promise ko sa'yo hindi na mauulit ito." sabi niya at humalik siya sa aking noo.  Tumango na lang ako at kahit ayaw ko siyang paalisin. Umalis na siya at nanatili akong nakatayo roon at nakahalukipkip na sinundan siya ng tingin. Lagi na lang ganiyan ang sinasabi niya sa akin this past few weeks. Pakiramdam ko parang may itinatago siya sa akin. Mabagal naman akong naglakad papuntang cafeteria, ang bigat bigat ng mga bawat hakbang ko. Aish, nakakalungkot at nakakadismaya naman. Akala ko makakagala na kami na walang sisira, iyon bang kaming dalawa lang. Nami-miss ko na kasi siya. "Hulaan ko, hindi natuloy ang lakad niyo." nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Mike sa gilid ko na may dala-dalang pagkain. Umirap lang ako sa kaniya at umupo naman siya sa harap ko. Pinanlisikan ko siya ng tingin.  "Psh, para kang kabute. Kung saan-saan sumusulpot." inis kong sambit. “Bawal tumambay dito,” puna niya. “Eh sa gusto ko. Pakialm mo ba?” inis kong sabi sabay irap. Tumawa lang siya at inabot sa akin ang yakult at sandwich. Tatanggihan ko sana nang magsalita siya. “Damayan mo na ko sa pagkain,” Wala na rin akong nagawa kundi ang kainin ang ibinigay niya. “Hindi kayo natuloy 'no?” aking niyang multi. “Ano pa nga ba? Tatambay ba ako dito 'pag natuloy?” pabalang kong sabi sabay kagat ng tinapay. "Ito naman nainis agad, parang nagatanong lang eh,” “Pero alam mo may kakaiba na sa kaniya.” pagbubukas ko ng usapan. Nanatili siyang tahimik at abala sa paglamon ngunit naghihintay siya ng kasunod kong sasabihin. “Para bang napapadalas na siyang may ka-text. Pansin ko ring sa tuwing aayain ko siyang lumabas ay maya-maya may magte-text sa kaniya.” salita ko. Tumigil siya sa pagnguya at tumingin sa akin. “Baka busy na sa iba.” sa inis ko ay itinapon ko sa kaniyang pinggan ang ibinigay niyang sandwich. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. “What the f**k! Problema mo?!” singhal niya at inusod ang pinggang nakalahati na niya ng pagkain. “Alam mong kumakain 'yong tao. Wala ka bang etiquette?” galit nitong sabi na punong-puno ng pagkadismaya ang hitsura niya. “I'm sorry. Hindi ko lang nagustuhan 'yong sinabi mo.” wika ko. “Bakit dahil ayaw mo malaman ang katotohanan?” kalmado na niyang tanong. “Pwede ba Mike, stop saying those words. Hindi mo siya kilala at ako ang nakakakilala sa kaniya.” sabi ko. Nagkibit balikat lang siya at kinuha ang ibinato kong sandwich at kinagatan niya ito sa bandang nakagatan ko na. Napangiwi ako dahil sa pandidiri. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya dahil nang-aakit siya ng tingin. "'Wag ka ng umasa busy na sa iba 'yon." wika niya. Tinignan ko naman siya ng masama, langya! Ginugulo ang isip ko. Bwiset na Mike. "Tsk, huwag kang bitter, mahal ako no'n." sabay irap at dila ko sa kaniya na parang bata. Tumawa siya.  "Psh, kung mahal ka no'n dapat mas inuna ka niya kaysa sa ibang bagay. Ano nga ba ang dahilan niya?" pag-uusisa niya. Wala naman siyang ibang sinabi sa'king dahilan, maliban na lang sa lagi niyang dahilan sa akin na may gagawin pa siyang importante. "Busy daw siya ayon ang lagi niyang dahilan pero ngayon, hindi ko na natanong," sagot ko. "Bakit ka kaya niya hindi tinuloy ang lakad niyo? Vacant naman niya ata ngayon 'di ba?" napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ano ba kasing gustong iparating ng orangutan na 'to? Mas lalong ginugulo ang isipan ko ang lalaking ito. "Ano bang gusto mong ipahiwatig? Bakit hindi mo na lang ako diretsahin? You just disturbing my mind!" inis ko ng sabi kay Mike. Napataas naman ng dalawang kamay si Mike na para bang nag susurender siya. Inirapan ko lang siya. "Baka lang kasi may iba siya kaya lagi siyang nagdadahilan sa'yo. Kung mahal ka niya talaga sasabihin niya ang tunay na dahilan. Tsk." seryoso niyang sabi, napataas naman ako ng kilay at napahalukipkip sa harap niya. "Teka nga! Pansin ko lang ha, nagseselos ka ba?" sabay ngisi sa kaniya, siya naman ang nagtaas kilay. "Ako? Selos? Tsk. Sino? Ako talaga? Asa ka pa!" inis niyang sigaw sa akin. Teka pikon na agad ang isang 'to. So, nagseselos nga siya. Niloloko lang maka deny wagas. "Psh, kung sabihin mo na lang kasi na selos ka." pang-aasar ko pa lalo sa kaniya. Ang cute niyang asarin. Maganda ng ibahin ang usapan kaysa sa kung ano-ano pa ang masabi niya. Baka mapasugod ako sa kaniya ng wala sa oras. "Aish! Hindi nga ako nagseselos. Sinasabi ko lang ang totoo! Hindi ako nagseselos, okay?!” natawa na lang ako sa kaniya na mas lalong ikinainis niya. O, kitam makasigaw wagas. Eh, magkatapat lang naman kami ng lalaking 'to. "Eh bakit makasigaw ka wagas? Anong akala mo sa akin bingi? Magkatapat lang naman tayo ah, tapos maninigaw ka pa!" Kumamot diy sa kaniyang ulo. "Para gets mo. Namimilit ka kasi na nagseselos ako." asik niya. "Hindi naman ako bingi. Eh, paano kung..." nakangisi kong sabi sa kaniya. Napakunot naman ng noo si Mike. "Kung?" tsk, talagang interesado siya. "Kung tayo na lang." sabi ko at sumilay naman ang ngisi niya sa kaniyang mapupulang labi. "Puwede rin." mabilis niyang sagot na hindi na niya pinag-isipan pa. Umiling iling ako at mahinang natawa. "Yan tayo eh, ang bilis sumagot pag tinanong." natatawa kong sabi sa kaniya. "Di naman. Pinag-isipan ko pa nga 'yan eh." asus! Deny pa eh, halata naman sa kaniya. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang nagsulputan sa cafeteria sina Melissa, Jerome, Estella, Justin, William at Kitian. Si Yvonne parang hindi na naman sumama at mabuti naman kung gano'n. "Hoy! Ano yang pinag-uusapan niyo diyan? Kuwento naman kayo.” sabi ni Estella.  “Mukhang kayo na ata," kantyaw ng magalong kong pinsan. Isa pa 'yang epal, mag partner in crime nga silang dalawa ni Mike. "Kami na pero hindi pa kami pero malapit na. Kunting push pa." natawa naman ako sa sinabi ni Mike, ang gulo lang. Kinurot ko naman siya sa tagiliran m. Napaka assuming ng isang 'to. “Ang gulo.” sabay kamot ni Melissa. "Ayieee.. Walang forever." bitter na sabi ni Jerome. "Asus! Wag kang assuming Mike. Masasaktan ka lang d'yan." sabi ni Kitian na sinang-ayunan ko naman. "Oo nga, at saka may boyfriend pa ako. Wala ka nang pag-asa." sabi ko at babatukan na sana siya ng bigla niyang nahawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya at sinabi niyang... "Hindi pa sa ngayon pero alam kong magiging tayo rin.” sabay kindat niya. Ngumiwi ako at itinuloy ang pagbatok sa kaniya. “Eh?” sabay-sabay naming sabi. Ngumiti lang siya at tiningnan ako. “Kapag ako ang minahal mo. Ikaw ang prinsesa ko, ikaw lang. Mark that word." Napalunok naman ako sa pagkakaseryoso ng tono ng boses niya, habang ang mga kaibigan naman namin ay patuloy pa rin sa pagtili at pagkantyaw sa aming dalawa. Hindi ko sila pinapansin, nakatingin lang ako kay Mike na unti-unting nag s-slow motion ang paligid ko. No! Hindi pwede may boyfriend na ako. 'Pa-fall yang kaharap mo. Wag kang maniwala diyan.' suway ko sa sarili at ilang beses na umiling-iling. Habang nakatingin lang ako sa kaniya may isang text ang natanggap ko. Napatigil ako sa pagpa-pantasya kay Mike. Nang binasa ko ang text na natanggap ko ay agad akong nanghina kasabay nang pagkahulog ng cellphone ko. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Last (Tagalog)

read
493.1K
bc

The Escort (Tagalog)

read
180.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

A Night With My Professor

read
533.9K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
474.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook