Kitian's POV Bago ako umalis, kakausapin ko muna 'yong wedding planner na si miss Dizon. Lumabas na ako ng kuwarto ko na naka black jeans at nakasuot ng white jacket. Iniligpit ko na muna ang nagkalat kong mga gamit na nasa center table na itinabi ko lang sa iisang sulok. Lumabas na ako't tinungo ang condo unit ni Yvonne na katabi lang ng unit ko. Papasok na ako nang biglang may humawak din sa door knob na aking hinahawakan. Agad akong napaangat ng tingin at nandiri nang makita ko. "Hands off in the door knob?" malamig kong sabi at napapagpag ng kamay. Umirap lang ito at umismid sa aking harap. "Arte mo Kitian. Mas mukha kang bakla kaysa sa akin sa kaartehan mo." sumbat niya at pinihit ang door knob. "Tss, nandidiri ako in a manly way not in a gay way. So inamin mong bakla ka pa ri

