Melissa's POV Holiday namin ngayong lahat at we choose to spend our time to each other. Gusto naming maka-bonding ulit ang buong barkada. Halos wala na kasi kaming time sa isa't isa, maliban na lang sa mga taong lagi kong kasama. Kaya may plano kami na magbakasyon at magkasiyahan sa isang malayong lugar. Kahit may bad terms ang iba sa barkada ay hindi na nila dinahilan pa para umayaw. Kailangan din namin pag-usapan ang lahat at ang main goal namin is, para makaiwas muna kami sa stress. In-open ko na lang ang data ko pero napansin ko na may dala-dalang pocket wifi pala 'tong kasama ko. Hindi man lang sinabi sa'kin. Pasimple ko siyang kinalabit sa balikat. "Pst, anong password? Pa-connect," sabi ko. Kinuha niya lang ang phone ko at saka umirap lang na i-tinatype niya sa phone ko ang pa

