Racelle's POV Ang ganda ng gising ko dahil sa sobrang saya ko kahapon at bitbit ko pa ang saya hanggang sa paggising ko. Binalewala ko na lamang si Tristan na hinilig ang kaniyang ulo sa aking balikat habang pinipisil-pisil ang aking palad, samantalang ako ay nakangiti. Dahil masarap daw ang kinalalabasan ng beef mechado na sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako ang nagluto, kundi kaming dalawa ay sasabihin niya raw sa mga employees niya na sa BenB's na sila kumain. Hindi ko makalimutan 'yong sinabi niya sa amin, "Kahit may katagalan ay worth it naman ang kasarapan. Kuhang-kuha niyo ang timpla and you never disappoint me." Sa pangyayaring iyon ay pinuri pa ako ni Kitian at sa sobrang tuwa ko pa nga no'n ay napayakap pa ako sa kaniya na gulat na gulat siya. Talagang mababaw lang ang kas

