Chapter 6

3738 Words
Tristan's POV Makalipas ang dalawang taon kung panliligaw sa kaniya na akala ko ay wala na akong pag-asa na maging akin rin siya, pero nagkamali ako. Ang matagal kong pagtitiis at ang paghihintay ko ng walang kapalit ay nagbunga rin pala ang lahat. I never expect that she will be mine. Today, we will be going to celebrate our 20th monthsary. Isang taon at walong buwan na ang aming relasyon. Ang saya sa pakiramdam na sumang-ayon ang tadhana sa aming pag-iibigan at mas lalo niyang pinapatagal. Hindi kami nagkakasawaan sa isa't isa pero may mga oras ding may hindi kami pagkakaintindihan at magka-away kami. Kahit matagal ang pinagsamahan namin bilang kaibigan at ang lahat ay inaasahan nilang walang misunderstanding na magaganap, ngunit mali sila. Gaya rin kami ng mga ibang magka relasyon. We are not perfect. Ngunit hindi naman namin pinapatagal ang alitan namin. Parehas kaming magpa-pakumbabahan at hihingi ng tawad sa isa't isa. There is no perfect couple in the world. And here I am, abalang nag-iisip ng isu-surpresa sa kaniya. I want to make it special, I want to make it memorable every single moment if we're together. What I want is to give her a best gift that she will never forget and she will always remember it. Gusto ko yung kakaiba sa lahat 'yong siya lang ang mayroon no'n. Pero napaka-imposible namang siya lang ang mayroon no'n. May pagkaselosa kaya siya, pero mas  gusto ko nga sa isang babae ang medyo selosa kaysa sa hindi. Nasaksihan ko na nga pagseselos 'non. Minsang pinuntahan niya ako sa university na medyo malapit lang sa university na pinapasukan niya. Nakita niyang magka-hawak kami ng kamay. Gano'n pala siya magselos, pero 'yong paghahawakan namin ng kamay para lang sa performance namin and that time nage-ensayo kami. -flashback- Abala kami sa page-ensayo nang umilaw ang cellphone kong nakalapag sa mesa. Tamang-tama nagpapahinga pa naman kaming dalawa kaya akin munang binasa. From: Bae Hi bae, are you busy? Nabo-bore ako dito eh. Pwede ba kitang puntahan d'yan? Napaangat ako ng tingin nang takpan niya ang cellphone ko gamkt ang kaniyang palad. "Let's continue our doing. You should always remember that this is a partner task that we must passed." sabi niya. Tumango tango lang naman ako at itinago na ang cellphone ko sa bulsa ko dahil may kailangan na naming tapusin at makabisado ito. Mamaya ko na lang siguro reply-an si Racelle. Inip siyang umupo sa isang upuan at pumangalumbaba. She look problematic. Wala pa kasi naming napipiling kanta maging ang sayaw. Hindi pasado sa amin ang nae-ensayo namin kaya namomroblema kaming dalawa. "What if you'll be the one to act it and I will sing the song that you will act in front. What do you think?" suhestyon ko sa kaniya. She pouted her lips. "That is a great idea but the instruction is... both of us will act and sing. If we don't follow the instruction we will be disqualified. So we need to think a song that we will sing and act it nicely." tumango ako. Napaisip agad ako ng kantang aming maaaring awitin, sa susunod na araw. We just need to perform for the extra points. Being architecture student is so stressful. Nakakaubos ng brain cells. Something pop up in my mind. "Uhm, Jean, Are you familiar from one direction band?" tanong ko sa kaniya. Her eye brow raised at tila inaalala niya. She gently nodded her head and smiled. "Yes! I'm there fan. Why- uh... Are we going to sing their song?” Tumango ako dahil sa wakas may mapipili na kami. Hindi kasi kami magkasundo sa mga kantang aming napipili saka hindi bagay na sayawin. "Great. Choose your favorite song from their band and I am going to search the lyrics, so that we can start the practice." sabi ko agad na nagtungo sa mesa kung nasaan ang laptop ko. "Uhm, story of my life or live while we're young. Which one is better?" tanong niyang lumapit sa akin at tumingin na rin sa laptop. Tumingin ako sa kaniya at namimili ng maganda sa sinabi niyang pagpipilian. "Story of my life? But it's up to you if which song you want to perform," sabi ko at ibinalik ang tingin sa screen ng laptop. Nagtipa ako ng mga ilang letra na nagsisimula sa s habang hinihintay ko ang pagsang-ayon niya kung iyon din ba ang gusto niya. Hirap talaga sa mga babae minsan pa-choosy. "I want that too.” sang-ayon niya na nakahinga naman ako ng maluwag. Nang ma-memorize naming dalawa ang lyrics ay inumpisahan na namin ang page-ensayo. Sa wakas, matatapos na rin kami at may napili na kami. Ipinagsama ko ang ideya niya at ideya ko sa aming ipe-perform. Mix story of our life ang kinalabasan ng aming practice. Natapos kami sa isang practice hanggang sa magsabi ulit ako ng isa pa. Muli siyang humawak sa kamay kong nakalahad sa kaniya habang ako ay inawit na ang first stanza. Nang ako na ang susunod, ako na ay humarap sa pintuan ngunit napatigil ako sa pagkanta nang magtama ang tingin naming dalawa. Nakatitig lang siya sa akin habang masama ang tingin niya. “Hey!” salita ni Jean na sa kaniya ko ibinalik ang tingin ko. “Umm, excuse me.” sabi ko at pinuntahan si Racelle sa labas. Agad itong tumalikod sa akin nang sasalubungin ko sana siya ng yakap. Kaya yumakap na lang ako sa kaniya patalikod at humalik sa mabango niyang buhok. "Bae, sorry hindi na kita na-reply-an dahil busy ako. Busy kaming nagpra-practice.” paliwanag ko nang sa gayon ay umimik man lang siya. “Saka hindi ko siya babae." dagdag ko. Tinanggal niya ang bisig kong nakayakap sa kaniya saka ito humarap sa akin na blanko ang ekspresiyon. “Sino siya?" ramdam ko sa tanong niya ang panlalamig ng kaniyang boses. "Siya si Jean-" naputol ang sasabihin ko nang biglang sumingit at sumulpot si Jean sa tabi ko. "Hi, I'm Jean. Don't worry we're just practicing for our presentation next week. And…” sabay tingin niya sa akin pagkatapos niyang makipagkamay kay Racelle. Muli akong napatingin kay Racelle na medyo hindi na nakasimangot ngunit tinaasan niya ako ng kilay. Aking ibinalik ang tingin kay Jean. “I have to go. Jones want to see me for having a date today.” paalam niya sa akin at tinapik ang aking balikat saka bumeso pa kay Racelle bago umalis. Natatawa kong tiningnan si Racelle dahil hindi siya makatingin sa akin ng maayos at napakagat labi pa ito. "Nagseselos ka ba?" tanong ko na itinanggi pa niya.  “Hindi. Oo, hindi.” sabay wagayway pa niya ng kamay niya upang maniwala akong hindi nga subalit natawa ako ng mahina. Hinawakan ko ang palad niya. “Huwag ka ng mag-deny, halata na.” Itinikom niya ang bibig niyang napaawang ng kaunti at biglang nag-iwas ng tingin sa akin. Nahihiya yata. “Ahh! Medyo lang. Akala ko lang naman kasi." sabi niyang hindi makatingin sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya at bahagyang iniharap ko ang kaniyang mukha sa akin. "Akala mo lang 'yan, saka hindi naman kita ipagpapalit eh. Espesyal ka kaya sa akin." malambing kong wika sabay yakap sa kaniya at natawa na lang bigla. -end of flashback- Nagulat ako nang bigla na lang nag-ring ang cellphone ko sa aking tabi. Agad kong iniangat ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Richie Calling... Tamang-tama napatawag siya. Agad kong sinagot ito at nang makapagtanong ako kung ano nga ba ang magandang regalo ang maibibigay ko kay Racelle. ("Hello, Tan. How are you? Matagal na rin tayong hindi nagkakausap, ah,") masayang bati niya sa akin sa kabilang linya na ikinangiti ko naman. Hindi pa rin siya nagbabago, ang malambing niyang boses na masarap pakinggan sa tenga subalit ang aming relasyon ay nagtagal lang sa tatlong buwan. Hindi ko kasi kayang manloko. Ayaw ko ng patagalin pa dahil ang totoo no'n ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko kay Racelle. Mahal ko si Richie ngunit mas mahal ko si Racelle. Hindi naman siya nagsisising sinagot niya ako at naging nobyo dahil maging siya ay pumayag ding maghiwalay na lang kami, sa kadahilanan ngang mas priority niya ang pag-aaral. Thankful ako sa kaniya dahil kahit wala na kami ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Hindi pa niya ako nakakalimutan at saka hindi siya awkward tuwing kasama at kausap niya ako, maging ako naman ay hindi nagbago sa kaniya. Parang iyong tatlong buwan kasi na naging kami ay parang kaibigan lang ang turingan namin sa isa't isa at madalang kaming magkasama, ngunit madalas magka-chat. "Ito okay lang, nag-iisip ng magandang iregalo sa girlfriend ko. Ikaw kumusta na? Mahigit tatlong buwan na ang nakalipas simula no'ng sinamahan kita." nagkita kasi kami noong nakaraang tatlong buwan sa soccer field saktong nandoon ako at monthsarry namin iyon ni Race. Nag-iisip ako no'n at tiyempo namang nandoon din pala siya. ("As usual, wala pa ring pinagbago. By the way, nakaisip ka na ba ng gift mo sa kaniya? Dapat mag-effort kang mabuti para d'yan. Gustong gusto kasi ng mga babae ang mga surprise kahit simple basta worth it.") "Hindi pa nga ako nakakaisip, eh. May request or suhestyon ka ba na magandang ibigay? Advice naman diyan bestfriend, oh," narinig ko ang paghagikgik niya sa kabilang linya saka siya sumagot. ("You can give her a thing na pinaghirapan mo. I mean huwag mo siyang kantahan o bigyan ng chocolates at flowers, dahil very common na 'yon. Kahit romantic tingnan but for me that's not a romantic, I find it corny. Make this day unforgettable. Make sure that she will never forget it or something to remember or to use that she will always keep it.") Napatango tango ako sa kaniyang sinabi. Maganda ang kaniyang suhestyon at alam kong binabase niya sa mga pangarap niyang mangyari sa isang relasyon. "Expert, ah. But thanks to you, you give me a better idea. I owe you a lot.” (“No problem. Kailangan mo ng tulong ng isang kaibigan. By the way if you don't mind, magkita na lang kaya tayo.”) “Sure. Iyan nga rin ang gusto kong sabihin, inunahan mo lang ako.” sabay tawa ko. (“Let's meet at the park. See you there.”) sabi niya bago niya ako babaan ng tawag. Ibinaba ko ang cellphone ko na may ngiti sa labi. Napapaisip na siguro kung hindi siya nakipag-break sa akin, wala kami ngayon ni Racelle. Salamat sa kaniya pero may kunting panghihinayang din sa aking parte. Umiling na lamang ako atna nagbihis na lang. Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na ako ng condo unit at isinara ito. Naglakad na lamang ako papunta ng park habang nakabulsa ang dalawa kong kamay at napapangiti sa mga nakakasalubong ko. Nauna akong nakarating sa park at mukhang wala pa siya sa aming tambayan. Umupo na lang muna ako at dito ko na lang siguro siya hihintayin, mayamaya ay dumating na rin siya. Nagulat pa nga ako nang yakapin niya ako kaya maging ako ay napayakap na rin sa kaniya. "Kumusta?" tanong niya nang humiwalay ako sa yakap. Pinitik ko noo niya at siya ay napanguso sa aking ginawa. "Kakausap lang natin, ah. Oh yung sa plano na para makapag-aral ka pa.” salita ko. “Alam ko namang busy ka eh, pumunta ka lang dahil miss mo 'ko." sabi ko pa ng pabiro. "Kung alam mo lang kung gaano kita na-miss. Lupet, nagiging bihasa na ako sa Filipino words. Galing mo talagang mang-impluwensiya.” sabay angat niya ng kamay niya at kaniyang ginulo ang aking buhok na madalas niyang ginagawa. “Teacher mo 'ko, eh.” sabay kindat ko. “Oh ano na? Alam mo na, may pupuntahan pa ako. Makikipagkita.” sabi niya na ngumiti pa ng makahulugan. Masaya akong nakikita ko iyang mga ngiti niyang ganiyan. Lalo na't alam kong makikipagkita siya sa kaniyang manliligaw na sinusuportahan ko namna siya roon. Biniro ko pa nga siyang ipakilala niya sa akin ang manliligaw niya nang makilatis kong mabuti. “What if photo album and music box? What do you think?” tanong ko sa kaniya nang amin ng pag-usapan ang ideya ko. Napaisip siya and she snap her fingers. “That's a great idea.” sabi nito na bakas sa kaniya ang saya at buong pusong pagsang-ayon sa ideya ko. “Ang suwerte suwerte naman ng girlfriend mo. Sana makilala ko siya balang araw, hindi ko tuloy siya makilala dahil lagi na lang akong busy." nakangiting sabi niya pero alam kong malungkot siya. Hindi na siya makakapagsinungaling pa sa akin. Kahit ilang buwan lang kaming nagsama, alam ko na kung sino siya. Alam ko kung peke ba o hindi. Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. "Huwag mo kasing abusuhin ang sarili mo sa pag-aaral, hayaan mo rin minsan ang sarili mong mag-enjoy.” sabay akbay sa kaniyang tumingala sa langit dahil ang ganda ngayon ng panahon. "Eh mahirap pagsabayin ang love sa education. Sa education kasi, once na hindi mo siya pinagtuunan ng atensiyon, uulit ka ulit hanggang sa mapagdaanan mo na naman ang mga pagsubok at minsan lang ito sa buhay mo. Sa love kahit masaktan ka, pwede ka pang umulit kahit masakit dahil parte na 'yon ng pag-ibig." Aking hinigpitan ang pagkaka-akbay sa kaniya kasabay ng pag-ihip ng hangin na tila sumang-ayon din sa sinabi niya. May punto siya. Ang pag-ibig, pwedeng ulit-ulitin kahit paulit-ulit ka ring masasaktan. Ang edukasyon, minsan lang sa buhay mo at kailangan mong malagpasan ang bawat baitang na hindi kailangan ang paulit-ulit. "Ikaw na ang matalino, ang sa akin lang ay alagaan mo rin ang sarili mo. Parang kulang ka na yata sa tulog oh.” nag-aalalang sabi ko sa kaniya nang ituro ko ang kaniyang makapal at nangingitim na eye bags. "Ehhh.. Sige na nga ba-bye Tan. Bawi na lang ako next time." sabi niya saka tumayo at umalis habang kumakaway. Umalis na rin ako at nagpunta sa mall. *** Napatingin ako sa nakasabit na wall clock. Malapit na siyang dumating. Tumayo na ako at iniligpit na ang mga kalat sabay naglinis na rin. Ayaw kasi niya ang makalat at hindi ako papansinin no'n kapag naabutan niyang makalat. Matapos kong maglinis ay bumalik ako sa pag-upo. Pasipol-sipol na hinihintay ang pagbukas ng pinto na senyales ng kaniyang pagdating. Nang mapatingin ako sa center table ay agad kong kinuha ang music box at itinago ito sa aking likuran. Mayamaya pa ay dumating na rin siya ng may malapad at matamis na ngiti sa labi. Nag-slow motion naman ang paligid ko nang aking nasilayan ang kaniyang mga ngiting matagal ko ng inaasam-asam na sa'kin siya dapat ngumiti ng ganiyan. Lumapit siya sa'kin at bahagyang yumuko upang abutin ang aking pisngi para humalik. Dumampi ang labi niyang malambot na minsan ko na ring naangkin nang wala pang kami. Naamoy ko ang pabango niyang hindi nakakasawa na tulad niya. Sa kaniya lang talaga ako baliw. Sinapo niya ang noo ko dahilan upang bumalik ako sa ulirat at tumingin sa kaniya ng mata sa mata. Ang ganda ng mga mata niya. Mga mata niyang natatawa kahit hindi naman, mata niyang maluha-luha na tila laging naiiyak. Ang gandang titigan at kung makikipagtitigan ka sa kaniya ng matagalan ay mapapangiti ako ng wala pa sa isang segundo, dahil sa kaniyang mga matang laging nakangiti. “May dumi ba sa mukha ko at ganiyan ka makatitig? Makapal ba ang make up ko? Pangit ba ako?” sunod-sunod niyang tanong na nagkasalubong pa ang kilay niya. Umiling ako. “Eh, ano at bakit ka ganiyan makatingin?” Ngumiti lang ako. "Bae," tawag niya. “Hmm?” sabi ko habang hindi tinatanggal ang tingin sa kaniya. “Pwede bang pumikit ka muna?” pakiusap niya. Naguguluhan pa ako ngunit pumikit din ako bilang pagsunod sa sinabi niya. “Ano bang gagawin mo? Maglalaro tayo ng pitik bulag?” tanong ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sabay mahina pang hinampas ako sa braso. "Sira. Basta pumikit ka lang." Naramdaman ko na lamang na may ipinatong siya sa aking kandungan na may kung anong mabigat na bagay. Gustuhin ko mang magmulat ay kailangan ko munang hintayin ang sasabihin niya. "Pwede ko na bang imulat?" tanong ko na muna sa kaniya. Nararamdaman kong malapit ang kaniyang mukha sa aking mukha, ramdam ko ang paghinga niyang kumikiliti sa tenga ko. “Pwede na.” sagot niya. Dahan-dahan akong nagmulat kasabay nang pagdampi ng kaniyang malambot na labi sa akin gilid ng labi. “Sana magustuhan mo ang simple kong regalo sa iyo sa ating first and eight monthsary.” nakangiting sambit niya na akin namang pinisil ang kaniyang pisngi at pinunit ang balot na balot na nakapatong sa aking hita. Isang ngiti. Agad kong itinaas ang gawa niyang painting na kung saan naka-paint ang aking pagmumukha. Kambal ko yata 'to dahil kuhang-kuha niya. Kulang na nga lang ay idikit ko na rin ang pagmumukha ko. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya no'ng mga nakaraang araw na halos gabi na kung mauwi at masyado pa ang pag-aalala ko. “Happy first and eight monthsary bae, bae ko.” malambing niyang saad na aking ikinakangiti sa kilig. Kinuha ko sa aking likuran ang mga itinago ko. Iniabot ko sa kaniya ang dalawa at walang isang salitang binigkas. Hindi na rin siya nagtanong at agad na binuklat ang notebook size na photo album na ginawa ko kanina lang. Tinitingnan ko lang ang bawat reaksiyon niya tuwing inililipat niya ito sa kabilang pahina, napapansin ko ngang nagpipigil siya ng tawa. Aaminin ko namang corny ang ginawa ko at unang beses ko lang itong ginawa sa buong buhay ko na sinabi pa nga ng tatlong Heartthrob Kings na mga babae lang daw dapat ang gumagawa ng photo album. Pinagtawanan pa nila akong tatlo, mga ugok talaga ang tatlong hari na 'yon. Matapos niyang mabuklat lahat ay tumingin siya sa akin na yakap-yakap ang photo album. “So sweet.” komento niyang nawala pa ang kaniyang mga mata sa pagngiti. Inilahad ko sa kaniya ang music box na aking pina-customize sa pinagbilihan ko. Alam ko sa aking sarili kong hindi habang buhay na ganito kami, na masaya kami. Kunot noo niyang tinanggap ang iniabot ko sa kaniya at hinawakan. "Ano 'to? Jewelry box na may gold?" napatawa naman ako sa sinabi niya. Umiling lang ako bilang sagot para buksan niya. Pagbukas niya ay tumugtog ang instrumental version ng kantang alay ko sa kaniya na mula sa puso.  “♪ If ever you wondered If you touched my soul, yes you do Since I met you I'm not the same You bring life to everything I do Just the way you say hello With one touch I can't let go Never thought I'd fall in love With you, yeah yeah Because of you, my life has changed Thank you for the love and joy you bring Because of you, I feel no shame I'll tell the world it's because of you Sometimes I get lonely And all I gotta do is think of you You captured something inside of me You make all of my dreams come true It's not enough that you love me for me, yeah You reached inside and touched me eternally I love you best explains how I feel For you, yeah-e-yeah ” Kanta ko na aking sinabayan ang musika. Nanatili ang kaniyang mga mata sa akin na pinapakinggan ang bawat lyrics na aking ibinibigkas. Ngumiti ako at ipinagpatuloy ang pag-awit. “♪ Because of you, my life has changed Thank you for the love and joy you bring Because of you, I feel no shame I'll tell the world it's because of you The magic in your eyes, true love I can't deny When you hold me I just lose control I want you to know that I'm never letting go You mean so much to me I want the world to see It's because of you Because of you, my life has changed Thank you for the love and the joy you bring Because of you, I feel no shame I'll tell the world it's because of you My life has changed Thank you for the love and the joy you bring Because of you, I feel no shame I'll tell the world it's because of you Because of you ~” Nanngingilid ang luha ko nang ako'y napatingin sa kaniya. Ewan ko, hindi ko alam kung bakit dahil iyong aking inawit ay galing sa aking puso na may katotohanan talaga. "Sa 20th monthsary natin na magkarelasyon ay masaya ako dahil nagtagal tayo, and thanks to you that you give me chance to enter in your broken heart. I'm not sure if I'm the one who fixed it pero ang alam ko lang ay nagmahal lang ako." napasinghot ako at pumumgay naman ang kaniyang mga mata na maluha-luha na ring nakatingin sa akin. “Sana na lang bae, kung matapos man ang relasyon natin agad. Masaya na ako dahil kahit saglit lang ay naranasan ko ding maging akin ka." seryoso kong sabi sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam ang susunod na mangyayari o patutunguhan ng aming relasyon na 'to. Hindi madali ang isa at walong buwan, marami kaming pinagdaanan at baka nga sa susunod na araw ay matatapos na ang lahat. Ngunit hindi ako susuko. "Bae..." sabay lagay niya ng palad niya sa magkabilang pisngi ko nang ako ay kaniyang iniharap sa kaniya. "Alam kong magtatagal pa tayo kung parehas tayong lalaban at harapin ang bawat darating na pagsubok. Saka don't say that words dahil walang makakapaghiwalay sa atin. You and me are together. Si god ang nagbigay sa'yo. You're the one who fixed and colored my colorless heart again.” sabi niya sa akin sabay yakap niya sa akin ng napakahigpit.  “Drama natin.” natatawa kong sabi. “Gano'n talaga kapag nagce-celebrate ng 20th monthsarry.” sabay hagikgik niya. “But because of you my life has changed. Thank you for the love and the joy you bring,” sabay halik ko sa kaniyang labi nang humiwalay kami sa yakap. “Because of you too.” malambing niyang sila saka niya pinisil ang magkabilang pisngi ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD