Estella's POV
Sabado ngayon at inimbitahan ako ng mga magulang ni Justin sa bahay nila para sa saluhan sila sa tanghalian. Kaya ito ako, nasa bahay pa lang. Kakagising ko lang kasi at ngayon-ngayon ko lang nabasa ang text sa akin ni Justin. Nasarapan ako sa pagtulog, paano ba naman one week kang stress sa school at pagod ang utak mo.
Inayos ko na muna 'yong higaan ko saka lumabas. Naririnig ko kasi ang malakas na pagkanta ni mama mula sa baba. Feeling singer kasi ang mama ko o baka naman talagang sinasadya niyang kumanta nang gano'ng kalakas para magising ako.
Ngumuso na lang ako sa boses ni mama. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko naman doon si mama na kumakantang nagluluto. Hindi niya ako napansin dahil naka earphones si mama, feel na feel ang pagkanta parang bagets lang. "Good morning ma, soon to tanghalian." bungad kong sigaw dahilan upang nagulat naman si mama, natawa na lamang ako sa gilid niya.
“Ay kalabaw!” gulat na sabi ni mama. Napahawak sa dibdib si mama at gulat na napalingon sa akin.
"Hay naku! Ikaw talagang Estella ka. Tanghali ka na naman nagising." reklamo ni mama sa akin. Hala, ito talaga si mama ang sungit sungit na lang lagi. Ngayon lang naman ulit ako tinanghali ng gising.
"Ngayon lang naman po," pahikab kong sabi. Ano ba naman 'yan, inaantok pa ako pero 'di na ako puwedeng umidlip. "Oh, kitam. Mukhang inaantok ka pa. Anong oras ka ba natulog kagabi?" tanong sa akin ni mama habang nagsasaing na ng kanin. Kumuha naman ako ng baso at nilagyan ng tubig saka ako lumapit sa sink at nagmumog.
"Mga madaling araw lang naman, Ma. Tinapos ko pa kasi 'yong dalawa kong thesis." sagot ko at umupo na sa hapag kainan. Tumingin sa akin si mama.
"Ikaw na ang mapag-aral. Pero, alagaan mo pa rin ang sarili mo, baka magkasakit ka niyan. O siya, kumain ka na diyan." sabi ni mama at ibinigay sa akin ang tinapay at palaman na mayanaise at ang tirang kanim kagabi saka ang bagong lutong ulam. Kumuha ako ng dalawang slice ng tinapay at pinalamanan ko ito ng mayonaise.
"Oh, bakit tinapay lang kinakain mo? Kumain ka ng kanin." puna ni mama. Umiling lang ako at kumagat ng tinapay.
"Hindi na ma, diet po ako.” biro ko. Tiningnan ako ni mama. “Aba! Ano namang sinasabi mo diyan, Estella.”
“Eh kasi ma, inimbitahan ako ng mga magulang ni Justin na magtanghalian sa kanila. Kaya, tinapay na lang muna kakainin ko, doon na lang ako magpapakabusog." sabi ko sabay kagat muli ng tinapay na ginawa ko. Tumaas naman ang isang kilay ni mama at tumawa ng mahina.
"Nako! Mukhang gusto ka na talaga nilang maging manugang. Kami rin naman ng papa mo, gusto naming maging manugang si Justin.” sabi ni mama na walang halong biro na sabi ni mama.
“Siya, Dalian mo na diyan dahil alas onse pasado na at hindi ka pa nakaligo.” sabi ni mama at iniwan akong mag-isa sa dining room.
Natapos din akong kumain. “Ma, sa kuwarto na ako.” paalam ko sa abalang nanonood na mama ko. Pagpasok ko sa aking kuwarto ay ang boses ni Justin na aking ringtone ng bumungad sa akin. Sa una ay binalewala ko ang tawag na iyon at nagmamadali kong kinuha ang nakasampay kong tuwalya sa cabinet.
Papasok na ako sa banyo upang maligo nang nag-ring ulit. Bumalik ako sa kam at kinuha ang cellphone ko saka ko ito sinagot.
("Hello, bakla. Kumusta na?") bungad na tanong ni Jerome sa kabilang linya.
"Kumusta agad? Magkasama lang tayo kahapon ah. Pero ito okay lang naman aketch." sagot ko sa kaniya habang nakatingin ako sa salamin na napabusangot. Mukhang mahuhuli ako sa lunch.
("Ito naman, namiss ko lang naman ang sister ko. Nga pala, I just want you to invite sa Pampanga together with Melissa and Claire. Ano, makakapunta ka ba?")
Mas lalo akong napabusangot ng marinig ako ang sinabi niya. Paano na 'yan? Inimbitahan din ako ng mga magulang ng boyfriend ko na kumain sa bahay nila. Tas itong bestfriend ko na bakla ay iniimbitahan din ako para makapag bonding sa Tagaytay.
Napakamot ako sa aking ulo. "Eh… inimbitahan kasi ako ng parents ni Tin na kumain sa kanila. Teka, ano nga bang oras ang alis niyo baka pwede pa akong sumama,"
("Mayang five ng hapon. Makakagora ka pa naman niyan 'di ba? Saka saglit ka lang naman sa bahay nila babe mo 'di ba?")
"Subukan kong humabol sa Pampanga trip niyo ha? At sasabihin ko na muna sa kaniya. 'Pag 'di pumayag, break na kami haha. Joke."
Simula kasi 'nong naging kami, bawal akong makipag kaibigan sa mga lalaki at makipag-usap. Pinagbawalan rin niya akong magsuot ng maiiksi, which is hindi naman talaga ako nagsusuot ng gano'n sa labas ngunit sa bahay oo, nasa bahay lang naman ako, eh. Pero… kahit daw sa bahay ay bawal akong magsuot ng gano'n. Lagi rin dapat akong magpapaalam sa kaniya kung saan ako pupunta. Jusko. Hindi ko alam na gano'n pala siya kahigpit.
("Papayagan ka niyan. 'Pag 'di 'yan pumayag, upakan ko 'yan. Haha joke lang bakla.”) pagbawi nito sa kaniyang sinabi. (“Sige babush na. Ipaghahanda ko pa ng kakainin ang dalawang sisteret natin.") sabay end call niya na hindi pa ako nakapag paalamsa kaniya.
Bigla akong na-excite sa sinabi ni bakla. Mukhang mas gusto ko na tuloy sumama sa kaniya at gusto ko na lang din sabihin kay Justin na hindi ako makakapunta at sa ibang araw na lang. Pero… 'wag na. Ayaw ko naman paasahin 'yung soon to be mother-in-law ko.
Dumiretso ako sa banyo at mabilis na naligo. Pagkatapos ay mabilis din akong nagbihis at nag-ayos. Naglagay lang ako ng lipgloss at pulbo sa mukha saka na ako lumabas sa kuwarto.
Lumapit ako kay mama na nakaupo sa sofa habang tutok sa TV ang mga mata niya. “Ma, alis na ako.” paalam ko. Humalik si mama sa aking pisngi. “Ingat.” sabi niya.
Bago ako makalbmakalabas ay may naalala ako. “Uhm, Ma,” napatingin sa akin si mama. “Kung hindi ako makakauwi mamayang alas singko, didiretso ako sa Pampanga. Kasama sina Jerome.” paalam ko.
“Mag-text ka na lang ulit sa akin. Mag-iingat ka.” paalala ni mama. Tumango lang ako at saka isinara ang pinto. Tinignan ko ang cellphone ko kung may text ba sa akin si Justin, at hindi nga ako nagkamali may text nga siya.
From: Justin
Nandiyan na si manong, ihahatid ka niya rito. We will wait you. Ingat sa biyahe babe Es. :) ♥
Paglabas ko nga sa mismong main gate ay nandoon nga ang kotse ni Justin. Lumapit ako at akmang kakatok sa bintana nang biglang bumukas 'yong pinto at iniluwa roon si manong na nasa mid 30's na ang edad, siguro kaedaran niya si papa. Ngumiti niya akong pinagbuksan ng pinto at sumakay naman ako sa back seat.
“Ikaw pala ang girlfriend ni sir Justin,” salita niya. Ngayon ko lang na-meet si manong baka personal driver ni tito o ni tita. Sa bagay, ngayon lang ako makakapunta sa bahay nila pero ma-meet ko na ang parents niya 'nong nag-set sila ng family dinner, last month sa bagong bukas na restaurant.
“Ah, Opo.” sagot ko. “Napaka simple mo pala at hindi nakakasawa ang ganda mo, kaya pala simula noon ay todo papansin na sa'yo ang batang 'yon.” nagulat ako sa ibinulgar ni manong.
“Simula elementary pa lang 'yan si Justin lagi niyang ikinuwekuwento sa akin ang crush niya. Estella daw ang pangalan at ngayon na naging kayo na pala ay todo ang saya niya dahil napasakaniya ang crush niya noon.” kuwento ni manong.
“Pero manong, napakaseloso niya. Lagi niya akong pinagbabawalan sa mga gusto ko. Parang may limitations lahat ng mga gagawin ko.” sumbong ko. “Gano'n talaga ang batang iyon, maging ang mommy niya ay ginaganon niya rin. Mismong daddy niya nga ay kinakaaway niya minsan dahil hindi na siya napapansin ng mommy niya.” sabay tawa ni manong na maging ako ay napatawa rin. Grabe naman ang lalaking 'yon, napaka. Napaka talaga.
“Pero ma'am, kahit gano'n ba siya sa'yo ay hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal mo kay sir?” usisang tanong ni manong sa akin na napansin kong hindi na siya nagmamaneho at nakatingin na lamang ito sa akin. Napalunok ako at bahagyang natawa sabay hampas ng mahina sa kamay ni manong.
“Anong klaseng tanong naman iyan manong? Siyempre naman po. Mahal na mahal ko 'yon kahit napakaseloso niya.” sagot ko. Tumango lang si manong at bumaba na. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. “Salamat po, manong.” pasalamat ko bago ako mag-door bell.
Pinindot ko ang door bell ng isang beses at agad na may lumabas sa bahay. Agad kaming sinalubong ni Justin, pinagbuksan niya kami ng pinto ni manong. Ngumiti lang si manong sa kaniya at nauna ng pumasok. “Akala ko hindi ka na darating, pasado alas una na.” sabi niya at sabay subsob niya ng mukha sa aking balikat.
Pinisil ko ang palad niyang maliit. “Hindi ba pwedeng na-late lang ng ilang minuto?” tanong ko. “Sabi ko nga, haha.” sabay tawa nito at nag-angat ng tingin. Humalik siya sa pisngi ko at nakangiting hinawakan pa ang isang kamay ko.
“Tara na sa loob,” aya niya. Ngumiti ako at tumango.
Magkahawak ang aming kamay hanggang sa pagpasok. Malapad na ngiti naman ang sumalubong sa akin dahil sa magkahawak na kamay naming dalawa ng kanilang anak. Nagkatinginan sila tito at tita sa isa't isa at nagkindatan sa isa't isa. "Salamat naman at nakapunta ka hija. Akala ko hindi ka na darating dahil ala una na." masayang sabi sa'kin ni tita Venus sabay yakap.
Humiwalay si tita sa yakap upang ako ay makasagot. "Pasensiya na po kung nahuli ako ng dating tita, tito. Tinanghalian po kasi ako ng gising," paghingi ko ng paunmahin sa pagiging huli ko.
"Ano ka ba, okay lang 'yon. Saka mama na lang ang itawag mo sa akin, magiging daughter in law naman kita." liningon ko si Justin na nakangiti sa'kin at tumango. “Sige po ti—mama?” hindi siguradong sabi ko.
“Aysus! Nagdra-drama na naman ang misis ko sa aming magiging daughter in law,” parinig na sabi ni tito na nakatingin kay tita. Justin chuckled at hinapit niya ang bewang ko nang makalapit siya sa akin.
“Mommy, wala na ba kayong balak kumain?” tanong ni Justin.
"Hali na kayo sa kusina. Kumain na tayo baka magtampo na iyong mga hinanda naming pagkain." sabi naman ni Tito. Sabay-sabay kaming nagtungo sa hapag kainan at kaniya-kaniyang upo marahil nagugutom na rin kami.
Tumabi sa akin si Justin na ayaw mahiwalay sa akin. Minsan naiinis ako sa ganitong pag-uugali niya dahil parang tatakbuhan mo siya. Hindi ko na lang siya pinansin, ang pinansin ko na lamang ay ang tatlong klaseng ulam ang nakahanda. Afritada, mechado, at adobo.
Ipinagsandok niya ako ng kanin at ulam. Napahawak ako sa kamay niya upang pigilan siya sa muling pagsandok ng ulam sa aking pinggan. Tiningnan ko siya at tiningnan din niya ako. "Ako na, mas makakapili ako ng gusto ko kapag ako.” tipid kong sabi at ibinaba ang serving spoon na hawak niya.
Tumahimik lang siya sa tabi ko habang tahimik rin kaming kumakain ng tanghalian, hanggang sa magsalita si tito. “Uhm, movie marathon after lunch?” tanong sa amin ni tito.
"Sige po,” mabilis kong pagsang-ayon. "This is a great bonding.” usal ni Justin sa tabi ko.
Nang natapos kaming kumain ay si manang na ang naghugas ng aming pinagkainan. Nauna ng pumunta sa sala sina tita at tito habang kami ay nanatiling nakatayo malapit pa rin sa kusina. “I'm sorry kanina,” hingi niya ng paumanhin.
“Hindi naman kasi ako bata, Justin. Pero hindi na bale.” sabi ko at tinalikuran na siya. Sumunod ako sa sala na kami na lang pala ang hinihintay nila tita at tito. Umupo ako sa sahig at saktong nandiyan na rin si Justin, tumabi siya sa akin at kinuha ang throw pillow sa couch. Habang nanonood kami ay parang kung anong may bumabagabag sa akin, parang may nasabi akong hindi maganda kay Justin kaya hindi siya umiimik sa tabi ko. Dinibdib niya kaya ang mga sinabi ko kahit mababaw lang naman?
Bumuntong hinga ako ng malalim at palihim na nag-inat ng aking likod dahil sumasakit ito. Segundo akong lumingon kay Justin na nasa flat screen TV ang mga mata. Seryoso masiyado sa panonood ng Everyday I love you habang nakapatong sa hita niya ang kaniyang phone at akap akap pa rin ang throw pillow.
Kinuha ko ang cellphone niyang nakapatong sa hita niya at inilapag sa center table. Tiningnan niya lang kung paanong ilagay doon ang cellphone niya sabay balik ng tingin sa TV. Hindi na rin akong nagsalita nang humiga ako at ipinatong ang ulo sa kaniyang hita. Napatingala ako sa kaniya nang maramdaman ko ang kamay niyang iniangat ang ulo ko at inilagay ang throw pillow para maging aking unan saka niya ipinatong ang kamay niya sa noo ko.
“Takpan natin.” sabi niya sabay tawa ng mahina. Kinurot ko siya sa paa dahil sa pang-aasar na naman niya sa akin. “Takpan din natin 'to. Maliliit kasi, baka pagkamalan kang dwarf.” pang-aasar ko sa kaniyang hinawakan ang likod ng palad niyang tinatakpan ang noo ko.
Pinitik niya ang noo ko kaya napadaing ako sa sakit ng ginawa niya. “Nagsasabi lang naman ako ng totoo,” simangot kong sabi at ibinalik na lang muli ang tingin sa papatapos ng palabas.
Natapos ang palabas ng alas tres ng hapon. Magpapaalam na sana ako dahil gusto ko pang humabol sa Pampanga trip ngunit nang magkuwentuhan pa kami. Wala akong nagawa kundi ang pakinggan ang mga kuwento nilang tungkol kay Justin na worth it namang nag-stay pa ako. Tawang-tawa ako sa mga kalokohan ni Justin noon. Hindi ko aakalaing may gano'n pala siyang kabalastugan noong bata pa siya. Sobra niya palang pasaway noon pero habang lumilipas ang panahon, habang padagdag ng padagdag ang edad ay nagbabago tayo.
Natawa ako sa ikinuwento niya mismo noong siya ay nasa elementary pa lang. Araw ng christmas party nila ay nag regalo siya ng isang so-en panty na may butas sa gitna. Jusko, bata pa lang marumi na utak ng lalaking ito pala.
Tuwang-tuwa raw 'yong batang babae habang humahagalpak naman sa tawa si Justin no'n at napahiga na sa kakatawa saka napagulong-gulong pa. Nasabi ko tuloy na ang babaw pala ng kaligayahan niya. “Pero, biglang napunit 'yung shorts ko at sa gitna pa talaga. Nagkataon pang wala akong brief kaya hindi ko inaasahang lalabas si junjun.” nakasimangot niyang kuwento habang ako ay napapahampas sa kaniyang braso na tawang-tawa at nagre-green minded.
“Lumapit pa siya sa akin at nanlaki ang mga niyang lumapit sa akin at akmang hahawakan niya ang parteng iyon, ngunit itinuro na lang niya samantalang ang iba naman ay tawa ng tawa at pahiyang-pahiya ako.” pagpapatuloy niya sa kaniyang kuwento nang kaniyang alalahanin ang buhay elementarya niya.
Halos masakit na ang tiyan ko kakatawa dahil hindi lang sa kuwento niya maging sa mukha niyang pulang-pula na ngayon. Hindi makalimutan sa isip ko ang tanong 'nong bata. "What's that small kind there in your short? Is that a toy?" Jusme. Kailan pa naging laruan ang parteng iyon?
What a shameful experience of him. Saglit muna akong nagpalipas ng oras sa sofa nang mapagod si Justin sa kakakuwento. Nakatulog siya sa aking balikat habang isinandal ko naman ang ulo ko sa ulo niya at marahang hinahaplos ang buhok niya. I realized na kahit marami akong ayaw sa kaniya, he is still the source of my happiness.
“Mahal kita.” malambing kong bulong sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya. Maya-maya ay nagising din siya. Nagkusot-kusot siya ng mata habang nakangiti sa akin.
“Ihatid na kita,” sabi niya kahit papikit-pikit pa ang mata niya at napahikab. Nagpaalam ako kina at tita at tito na nasa kusina at kasalukuyang nagme-meryenda. “Tita, tito, alis na po ako. Salamat po.” magalang kong paalam.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay napatingin ako sa wrist watch ko. Pasado alas-kuwatro na pala ng hapon at makakahabol pa ako. Kumuha ako ng tiyempong magpaalam kay Justin. Nang makakuha ako ng tiyempo ay hindi na ako nagpadalos-dalos pang sabihin ang kanina ko pang gustong sabihin.
"Babe, puwedeng sa bahay nina Jerome mo na lang ako ihatid?” patanong kong sabi.
"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong sa akin na nangunot pa ang kaniyang noo. Pasimple akong lumunok. Ipinagdikit ko na ang dalawang palad ko at nag-uumpisa ng magdasal na sana payagan niya ako.
"May Pampanga trip kasi sila Jerome, kasama sila Claire at Melissa. Tumawag sa akin kanina si Jerome at inimbitahan niya ako kung pwede raw ba ako. Sabi ko titingnan ko dahil gusto ko naman talaga pumunta ang kaso nga lang, baka hindi ka pumayag.”
Napalingon siya sa akin sabay taas ng isang kilay. Kinakabahan ako. “Walang problema.” sagot niya na ikinatuwa ko naman. “Talaga pumapayag ka?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Oo, may kasama ka namang kilala ko.” sabi niya at itinigil ang sasakyan sa tapat ng isang sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay nila Jerome. “Thank you, babe!” sabay halik ko sa kaniya sa labi.
Tinanggal ko ang seatbelt at agad na inabot ang bag ko sa backseat. "Mag-iingat ka sa Pampanga. Gusto sana kitang samahan kaso may pupuntahan ako bukas. I love you too. Bye." sabay halik niya sa akin sa labi at sinenyasang lumabas. Bumaba na ako ngunit bago ko isarado ay may pahabol akong sinabi. “I love you, babe!” sigaw ko at isinara ang pinto ng kaniyang kotse.
Sinalubong ako ni Jerome na mukhang kanina pa pala naghihintay sa akin. "Nandiyan ka na pala. Gora na." aya niya at pinasakay na niya ako sa kotse niyang naka ready na sa harap ng bahay nila.
"Uhm, where's Melissa and Claire? Hindi ba sila sumama?" tanong ko nang nakapasok na ako sa kotse niya.
"Nauna na sila. Nagpaiwan na muna ako kasi nga, sabi mo pupunta ka rin." sagot niya nang paandarin niya ang sasakyan.
"Ayiiee… hinintay talaga ako ni bakla. Ang sweet mo bakla!" kunwaring kinikilig kong sabi at may pagka malambing na tono.
"Siyempre naman hihintayin kita 'no. Mahal kasi kita kaya hihintayin kita." seryoso niyang sabi sabay nguso. Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi at parang kinabahan ako bigla.
Napansin siguro niya ang naging reaksiyon ko kaya nilinaw niya ang ibig niyang iparating sa akin. "Huwag mo kasing bigyan ng malisya dahil hindi naman kasi as in sa iniisip mo ang ibig kong sabihin. Mahal kita bilang kaibigan. Magkaibigan naman tayo 'di ba? Best friends."
Sa tagal na naming magkaibigan ngayon ko lang nilagyan ng mga malisya ang mga sinasabi niya. “Ah… o-oo. Best friend forever.” sagot ko at humarap na lang sa binabaybay naming daan.
Napalingon ulit ako sa kaniya ng may sinabi siya na hindi ko masyadong narinig. Ang huling narinig ko lang na sinabi niya ay, "…ako bakla."
Hindi ko na lang pinansin, wala namang meaning 'yon at alam ko naman na bakla talaga siya at hindi mo na mababago ang pagkatao niya.
Itinext ko na lang si mama na dumiretso na ako sa Pampanga.