PERO siyempre, hindi natuloy ang masamang balak ni Oreo kay Kookie. Dumating din kasi sa ospital ang daddy at kuya niya. Kaya sa halip na sa hotel, sa apartment ni Kookie ang bagsak nila. Halatang nadismaya si Oreo, pero nawala rin agad iyon nang makakuwentuhan na nito ang ama at kapatid niya. Nakalimutan na niyang close nga pala si Oreo sa pamilya niya. Naalala rin niya noon na inirereto nga pala sa kanya ng daddy niya si Oreo. "Sabi ko na nga ba at kayo rin ang makakatuluyan," masayang sabi ng daddy ni Kookie. Inilagay ni Kuya Kai ang plato na naglalaman ng patty sa center table, kasama ang mga bote ng alak. "Apostol, siguruhin mo lang na aalagaan mo ang kapatid ko." "Oo naman, Kuya," confident na sagot ni Oreo. Nakangiting nilinga ni Kookie si Oreo. Yumakap siya sa braso nito at ip
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


