NAGISING si Kookie sa ospital na may benda sa noo, maging sa mga braso. Nasa ward siya, katabi ang ibang pasyente na may mga injury din na natamo. Mukhang ang sakay ng sasakyan na nabunggo niya ang mga pasyente na ito. Kanina, nang may lumapit na nurse sa kanya para i-check ang kalagayan niya, nakiusap siya rito na tawagan si Oreo. Ang sabi naman sa kanya ay natawagan na ang pamilya niya gamit ang contact info na nakita sa mga ID niya. Pero wala naman doon ang numero ni Oreo. Patayo na sana siya para sana gumamit ng payphone nang may malakas na tumawag sa pangalan niya. "Kookie!" Nalingunan ni Kookie si Oreo. Bago pa siya makapagtanong ay nasa harap na niya ito. Hinawakan siya ng binata sa magkabilang-balikat, at ininspeksiyon siya mula ulo hanggang paa. Bakas ang matinding pag-aalala

