NAGMAMANEHO na si Kookie at pauwi na sa apartment. Pagkatapos ng ginawang pagtatapat ng live on national television, nilapitan siya ng mga reporter na naroon sa TV network, pero tumanggi na siyang magpa-interview. Umalis na siya, tutal ay iniwan na rin naman siya nina Trek at Hannah. Ngayong mag-isa uli, nakakaramdam uli siya ng pagod, lungkot, at pangungulila. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang tatagal na ganoon, pero umaasa na mararamdaman ni Oreo kung gaano na siya nagsisisi nang bumalik na ito sa kanya. Universe, please. Isa na lang talaga... Mukhang pinakinggan na si Kookie ng universe dahil tumunog ang cell phone niya at nakita sa caller ID ang pangalan ni Oreo. Isinuot agad niya ang earphones at sinagot ang tawag ng binata. "Oreo!" "Napanood ko 'yong show ni Trek, kung s

