"BEFORE I leave the show, I would like to address the issue regarding me and my marriage," seryosong sabi ni Trek sa harap ng camera. "May nag-post sa YouTube ng video kung saan nakikipagsabunutan ang asawa ko sa kababata ko. Yes, the other woman in the video is my childhood friend, not my mistress. Wala kaming relasyon ni Kaye Ysabelle 'Kookie' Hisugan dahil isang lalaki lang ang totoong minahal at minamahal niya ngayon. Nagkaroon lang ng problema at hindi pagkakaunawaan. "Wala akong ibang babae. Pero totoong maghihiwalay na kami ni Hannah Montereal. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit aalis ako ng bansa pansamantala. Sa lahat ng viewers na nadismaya ko, I'm sorry." Nilingon ni Kookie si Hannah. Kitang-kita niya ang matinding pagkabigla sa mukha nito nang ianunsiyo ni Trek ang pakikipagh

