PAREHONG nakasalampak sa sahig sina Kookie at Branon. May mga bote ng beer sa center table. Pareho rin kasi silang iniwan ng mga lalaking mahal nila. Doon nila napatunayang mag-best friend nga sila. Bumuntong-hininga si Branon. "Bakit ba ayaw niyang maniwala na love doesn't see gender?" Bumuntong-hininga rin si Kookie. "Bakit ba ayaw niyang maniwala na my love for him is not a lie?" "Bakit kailangan niyang magpakasal sa ibang babae?" "Bakit kailangan pa niyang makita at marinig ang pagtatalo namin ni Hannah?" "I hate his fiancée." "I hate Hannah." Nagkatinginan sina Kookie at Branon at nagkataong sabay ding nagsabi ng parehong mga salita. "I miss him so much." Kumuha ng isang bote ng beer si Kookie. "Para sa mga pinagkaitan ng universe." Kumuha rin ng bote si Branon at kinalampag

