NATAGPUAN na naman ni Kookie ang sarili na kaharap si Trek sa isang coffee shop. Pagkatapos ng nangyari sa apartment niya, ngayon lang uli sila nagkausap. May gusto lang daw itong sabihin bago umalis ng bansa, kaya pinagbigyan na niya. Tutal naman, may pinagsamahan din sila. "Nagpunta sa 'kin si Tita Kayla," pagsisimula ni Trek. "Humingi siya ng tawad dahil nadamay pa raw ako sa plano niya. But you know what, kahit ano pa ang isipin mo, gusto lang bumawi ng mommy mo sa 'yo. Akala niya, ang pagse-setup sa 'tin ang paraan para mapasaya ka niya. Mali lang ang pagpapakita niya ng pagmamahal sa 'yo. But in her own way, your mother cares for you. She loves you." Nangilid ang mga luha ni Kookie at sumakit ang lalamunan sa pagpipigil na umiyak. Alam naman niya ang lahat ng iyon, pero napangunaha

