NARAMDAMAN ni Kookie ang mainit na bagay sa noo niya. Umungol siya bilang reklamo, bago niya unti-unting iminulat ang mga mata. Noong una ay nakatitig lang siya sa nag-aalalang mukha ng ama at kuya niya. Pero nang matauhan, napasinghap siya at napabalikwas. "Dad! Kuya!" natatarantang bulalas niya. "Ano'ng ginagawa n'yo rito?" Wala nang alam si Kookie sa nangyayari. Isang linggo na siyang nakakulong sa apartment niya mag-isa, mula nang umalis ang kanyang ina nang walang paalam. Kahit dinadalaw siya ni Branon at dinadalhan ng pagkain, hindi niya kinakausap ang kaibigan. She was too busy nursing her broken heart. "Nagugutom ka ba?" sa halip ay tanong ng daddy niya. Nang hindi siya sumagot ay binalingan nito ang kuya niya na nakatayo sa gilid ng kama. "Mukhang na-mi-miss na ng bunso natin a

