NAKATAYO sa harap ng full-length mirror si Kookie habang nakatitig sa suot niyang damit. She wore a simple red dress under a black blazer. Naalala niyang isa iyon sa mga paborito niyang damit noon, na malamang ay naiwan nga sa bahay ni Oreo sa isa sa mga gabing natulog siya sa bahay ng binata. May tatlong pares pa ng damit na naiwan sa bahay ni Oreo ngayon, at hindi niya alam kung bakit hindi pa niya inuwi ang mga iyon. Dahil ba luma na ang istilo ng mga iyon kaya hindi niya naisip bitbitin sa pag-alis niya? But I'm a model. Kahit lumang damit ang isuot ko, magmumukha pa rin 'yong fashionable. Kookie was confident. And Oreo was right. Her figure didn't change and she still fitted in her old clothes. At dahil nagising na naman ang diyosa sa loob niya, hindi na naman niya mapigilang purihi

