"SINABIHAN mo si Trek na hiwalayan si Hannah?!" Eksaheradong sumimangot si Kookie dahil sa tanong na iyon ni Branon pagkatapos niyang ikuwento dito ang napag-usapan nila ni Trek noong nakaraan. Wala si Robin sa condo unit ng kaibigan kaya nadalaw niya ito. She declared that Sunday was best friends' day. "Ano pa ba ang puwede kong i-advise sa kanya? Hannah is cheating on Trek with someone who's way younger than he is." "And that is none of your business," iritadong sabi ni Branon. "Kung lokohin man siya ni Hannah, problema na nilang mag-asawa 'yon at hindi ka na dapat nakikisawsaw!" Nagulat si Kookie. Ngayon lang siya pinagtaasan ng boses ni Branon, at ngayon lang niya ito nakitang galit na galit sa kanya na para bang gusto siyang sakmalin. "Why are you getting so pissed, Bran?" Namayw

