NATAGPUAN ni Kookie ang sarili sa harap ng pinto ng bahay ni Oreo. Hindi niya alam kung bakit ang binata ang naisipan na puntahan nang makaramdam siya ng lungkot at sama ng loob pagkatapos ng pagtatalo nila ni Branon. Ang alam lang niya, kailangan niyang makita at makausap si Oreo kahit dis-oras na ng gabi dahil nararamdaman na magagawa siya nitong pangitiin at patawanin. Because he always did. Akmang magdo-doorbell na si Kookie nang bumukas ang pinto, at iniluwa niyon si Oreo na may kasamang magandang babae. Pamilyar ang babae, pero hindi niya maalala kung sino ito. Oh. The point is, Oreo is with another girl. "Sorry," mabilis na paumanhin ni Kookie, saka mabilis ding tumalikod at naglakad palayo. "K, wait," habol naman ni Oreo, saka siya hinawakan sa braso at marahang pinihit paharap

