NAPABUNTONG-HININGA na lang si Kookie habang nakatingin sa harap ng salamin. Suot niya ang T-shirt ni Oreo, at hindi na siya nagsuot ng pajama bottom dahil masyado iyong mahaba para sa kanya. Ang punto, natulog na naman siya sa bahay ni Oreo, at mukhang pareho na nila iyong nakakasanayan. Tumingin siya sa lababo. Sa kabila ng agam-agam na nararamdaman, napangiti pa rin siya nang makita ang kulay-pink na toothbrush na may malaking pulang ribbon pa. Kinuha niya iyon, at binabasa ang note na nakaipit kasama ng laso: "Good morning, baby." Ngayon lang may nagregalo kay Kookie ng toothbrush at sa halip na ikainis, ikinatuwa pa niya iyon. Hindi naman siya binigyan ng toothbrush ni Oreo para sabihin sa kanyang may bad breath siya. Malinaw ang mensahe ng binata: gusto nitong huwag na siyang umali

