UMIIYAK si Kookie sa kama niya habang nakahiga nang patagilid. Pagkatapos niyang magwala sa pananghalian kanina, nagkulong siya sa kuwarto. Naririnig niya ang mga yabag ng ina, kaya alam niyang umalis na ito ng apartment. "Baby?" Lalong lumakas ang hikbi niya nang marinig ang boses ni Oreo. Kung ganoon, hindi pa pala ito umaalis. Mayamaya lang, naramdaman ni Kookie ang paglundo ng espasyo sa likuran niya. Then she found herself in a spoon position with Oreo. He was hugging her from behind, while kissing her shoulder like he was calming her nerves. "Tahan na, baby," malambing na bulong ni Oreo. "Umalis na ba siya?" "Yes." Pinahid ni Kookie ang luha sa mga pisngi. "Pagagalitan mo ba 'ko dahil naging rude ako sa mommy ko?" Ipinatong ni Oreo ang baba sa balikat niya. "Hindi na kailanga

