Chapter 33

923 Words

"MAY MASAMANG balak ka na naman sa 'kin," reklamo ni Kookie kay Oreo, habang may nakapiring sa mga mata niya. Nakahawak sa magkabilang-balikat niya ang binata at marahan siyang inaakay mula sa kotse nito, paakyat marahil sa kuwarto nito. Tumawa lang si Oreo. "As much as I want na gawan ka ng masama, hindi puwede dahil may flu ako ngayon. Ayokong hawaan ka. Kaya nga mabuti ang balak ko sa 'yo ngayon." Napangiti siya. Medyo minamalat nga ang boses ni Oreo at dapat ay napapahinga ito para gumaling na. Pero heto ito ngayon, mukhang may hinanda na namang sorpresa para sa kanya. Kaya nga kahit kanina pa siya tine-text at tinatawagan ng mommy niya ay hindi niya iyon sinasagot. Alam naman kasi niyang sasabihin lang nito na nakabalik na ito sa apartment. Kakausapin naman niya ang ina pag-uwi niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD