"WHAT will you do if you just met the woman of your dreams, but she turned out to be very eccentric that she almost drive you insane, so you had to drop her off at her place then ran away from her as fast as you can? The thing is, you f*****g regret not getting her damn number, and now you're getting stupidly crazy because you can't get her off your mind," paglalabas ni Oreo ng saloobin sa mga kaibigan dahilan para matigil ang basketball game at sabay-sabay napatingin sa kanya ang lahat. Itinaas niya ang mga kamay saka bumuntong-hininga. "I still like her a lot despite her... her eccentricity."
Hindi rin maintindihan ni Oreo kung bakit mula nang gabing ihatid si Kookie sa unit nito at umalis agad nang hindi nakakapagpaalam nang maayos, ay hindi pa rin niya magawang alisin ang dalaga sa kanyang isipan.
He would admit that Kookie freaked him out when she said she was a succubus. Hindi dahil naniwala at natakot siya sa dalaga, kundi dahil hindi siya naging komportable sa kapasidad nitong magsinungaling. Ang pinakaayaw niya sa mga babae ay iyong mga sinungaling, magaling umarte at higit sa lahat, magaling humabi ng kuwento. Dahil natitiyak niyang kayang-kaya siyang manipulahin ng ganoong klase ng babae. That kind of woman could be a total b***h.
It was funny how Kookie was both everything he was looking for, and also everything he hated in a woman.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit nalilito si Oreo. Alam niyang ayaw niya sa mga tulad ni Kookie, pero nararamdaman din na nasa dalaga ang lahat ng katangian na gusto rin niya sa isang babae. At ang huli ang mas nanaig.
"Dude, kung umasta ka naman, para kang college student na natotorpe. 'Tanda mo na, 'no," iiling-iling na sabi ni Garfield, saka dinampot ang face towel sa bench. "Go f*****g ask her out."
"I already asked her to marry me but she turned me down."
Sa pagkakataong iyon ay nagkatinginan sina Garfield, Stone, at Snap. At sa kanyang pagkairita, sabay-sabay na napa-"ohhh" ang tatlong mokong na halatang inaasar lang siya.
"Hanggang ngayon, immature ka pa rin," sabi ni Stone. "Akala ko ba tinakbuhan mo ang babaeng 'yon, eh, bakit ngayon, sinasabi mong inalok mo siyang magpakasal sa 'yo? Ano ba talaga ang nangyari?"
Sumalampak ng upo si Oreo sa bench saka tumingala sa papasikat na araw. "Well, ganito kasi 'yon. Bago ko nalaman na weird siya, nalaman kong siya pala ang anak na babae ng may-ari ng kompanyang nagma-manufacture ng Sweetypop—'yong paborito kong lollipop. Naisip ko na kung magpapakasal kami, magkakaroon ako ng lifetime supply ng lollipop." Sabay-sabay na binatukan siya ng mga kaibigan. "Aray! Ano ba'ng problema n'yo?"
"Kahit ako ang babae, tatanggihan ko ang alok mong kasal para lang sa napakababaw na dahilan," sermon ni Snap sa kanya. "Hanggang ngayon talaga, isip-bata ka pa rin. Grow up, dude. Napag-iiwanan ka na."
"Ayokong marinig 'yan mula sa lalaking hanggang ngayon, hindi pa rin sinasagot ng babaeng nililigawan na niya mula pa no'ng college."
"May something na kami ni Cloudie. Ayaw pa lang niyang aminin 'yon," giit ni Snap.
"Whatever," bale-walang sabi ni Oreo, saka isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan bago kinantiyawan. "I wonder kung bakit sinabi ko pa sa inyo ang problema ko. Eh, mga wala naman kayong silbi."
Malapit na kaibigan ni Oreo sina Stone, Snap, at Garfield mula sa kolehiyo. Magkakasundo sila kahit magkakaiba ang ugali kaya siguro hindi na sila naghiwa-hiwalay. Press release lang niya na walang-silbi ang tatlo, pero ang totoo, komportable siya sa mga kaibigan na maglabas ng hinaing dahil alam niyang hindi siya huhusgahan ng mga ito.
Kaya nga tinawagan niya sina Garfield, Stone, at Snap kaninang alas-tres ng umaga. Natural, nakatanggap siya ng katakot-takot na mura mula sa tatlo. Pero sa huli, nagkasundo pa rin silang magkita-kita sa basketball court ng exclusive subdivision kung saan siya nakatira.
Umupo si Garfield sa tabi ni Oreo at inakbayan siya. "Sino ba ang babaeng 'to para magkaganyan ka, Oreo? Noon naman, kapag may gusto kang babae, niyaya mo agad makipag-date nang hindi kinukunsulta sa amin."
"She's... she's..." Gusto sana niyang sabihin ang salitang "special," pero iba naman ang lumabas sa kanyang bibig. "Bad news."
"You knew she's trouble," sabi naman ni Stone. "Pero sumige ka pa rin. Oreo, masyado ka nang matanda para magka-crush. Malamang, malakas na ang tama mo sa babaeng 'yan."
"I don't know. I just know she's different." Bumuga ng hangin si Oreo. "Pero sinasabi ko na sa inyo, weirdo talaga siya. Ewan ko ba kung bakit iniisip ko pa rin ang babaeng 'yon."
"Well, Snoopy was also bad news when we met," nakangising sabi ni Garfield. "Pero sinunod ko ang instinct ko. Tingnan mo ngayon, kasal na kami at may one-year-old na kambal. And I'm very much happy with my life right now."
Napaisip si Oreo. Totoo ang lahat ng sinabi ni Garfield. Hindi rin kabaitan si Snoopy noon, pero hindi sinukuan ng kaibigan niya si Snoopy na ngayon ay asawa na nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ano naman kung weird si Kookie? It was actually starting to appeal to him.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang cell phone ni Garfield. Umaliwalas ang mukha ng kaibigan habang nakikipag-usap sa kabilang linya.
"Hi, honey. Ah, gising na sina Tom at Jerry? Okay, pauwi na 'ko. I love you," malambing na sabi ni Garfield sa kausap—na malamang ay ang asawang si Snoopy—bago nakangiting binalingan si Oreo. "I have to go, Oreo. Ang maipapayo ko lang sa 'yo, kilalanin mo munang mabuti ang babaeng 'yan bago mo sukuan. Kadalasan kasi, 'yong mga babaeng malakas ang topak ang nakakapagpatino sa mga sira-ulong gaya n'yo. Pareho kayong baliw kaya quits lang."
Kinatiyawan nina Stone at Snap si Garfield na tatawa-tawa lang saka tuluyang nagpaalam sa kanila.
"I actually agree with Garfield," sabi ni Stone habang nakangising hinahatid ng tingin ang papalayong kotse ni Garfield. "Ano naman kung weird ang babaeng 'yon? Weird ka rin naman. Sa edad mong 'yan, adik ka pa rin sa lollipop."
Madaling nasasabi iyon ng mga kaibigan ni Oreo dahil hindi alam ng mga ito kung gaano talaga ka-weirdo si Kookie. Pero wala siyang balak ipaalam sa mga ito ang sinabi ni Kookie tungkol sa pagiging "succubus" umano ng dalaga.
"Hindi mo pa sinasabi ang pangalan ng babaeng 'to," sabi naman ni Snap. "Nang malaman namin kung sino ang pasasalamatan dahil sa wakas, nagseryoso ka na rin sa babae."
Natawa siya nang mahina. "Kookie, the celebrity endorser."
Bigla ay tila nanigas sa kinatatayuan sina Stone at Snap saka nagkatinginan.
"What?" reklamo ni Oreo. Alam niyang nag-uusap sina Stone at Snap sa tinginan pa lang ng dalawa. After all, the two were the closest among them.
Napakamot sa kilay si Stone. "I don't know if we should tell you..." Binalingan nito si Snap at tinapik sa balikat. "Hindi ko kaya, pare. Ikaw na lang tutal ikaw naman ang nakapanood."
"This is awkward," pag-amin naman ni Snap na biglang namula ang mukha. "Hindi ko sinasadyang mapanood 'yon. Pero kahapon, no'ng may practice ang basketball team namin, nakita namin ang teammates namin na may pinapanood... and well, I got curious. Kaya nakisali na rin ako..."
Kumunot ang noo ni Oreo. May ideya na siya sa sinasabi ng mga kaibigan, pero itinatanggi iyon ng kanyang isipan. "Deretsahin mo na nga ako, Snap."
"May s*x video si Kookie kasama 'yong sikat na professional photographer na si Branon," mabilis na sagot ni Snap nang mahimigan marahil ang iritasyon sa boses ni Oreo. "Please don't tell Cloudie that I saw that video."
"For the record, I didn't watch it. Tinanong ko lang kung ano ang pinapanood nila kaya nalaman ko," singit naman ni Stone, pagkatapos ay binigyan si Oreo ng nagmamakaawang tingin. "So please don't tell Kisa anything."
Pakiramdam niya ay naestatwa siya sa kinauupuan. Tanggap na niyang weirdo si Kookie. Pero paano niya matatanggap na may s*x video ito na napanood pa ng kanyang mga kaibigan?
***
PAKIRAMDAM ni Oreo ay nawalan siya ng dugo habang pinapanood ang s*x video ni Kookie kanina. Sa video na iyon, makikita ang dalaga na nakasuot ng maluwag na panlalaking polo, at kita ang kaliwang dibdib nito, pero natakpan naman ang dapat matakpan habang sinasakyan si Branon, at umuungol nang malakas. At base sa galaw ng dalawa, nagtatalik nga ang mga ito sa ganoong posisyon. Hindi niya tinapos ang video, pero sapat na ang mga nakita niya.
Buong-araw niyang hindi maalis sa isipan ang imahen ni Kookie. The ways he threw her head back in obvious ecstasy, the way her hips moved sexily, the view of the sides of her voluptuous boobs, and of course, the erotic sound of her moans.
Oreo could easily imagine Kookie naked on top of him, riding him like there was no tomorrow, and moaning his name all night. Too bad she was doing it with another guy.
Do you really want me to believe that you're a succubus? Or do you want me to regret the night I turned you down?
Dahil kung ang huli ang plano ni Kookie, nagtagumpay na ito. Sising-sisi na si Oreo kung bakit naduwag pa siya nang gabing iyon at tinakbuhan ang dalaga. Pero kung kailan naman determinado na siyang makuha ang dalaga, saka pa lumabas ang video na iyon.
Para mawala sa isip si Kookie kahit sandali, niyaya niya sina Stone at Snap para mag-bar. Hindi niya mayaya si Garfield dahil pamilyado na ito.
"Kisa will kill me for this," iiling-iling na sabi ni Stone.
Inakbayan niya ito. "Ako'ng bahala sa 'yo. Hindi kita ilalaglag sa stepsister ko."
"You'd better not."
"Just don't flirt with other girls."
"As if I can do that to Kisa." Nginuso ni Stone si Snap na nakikipag-"kaibigan" na sa isang grupo ng kababaihan na kakarampot ang suot. "Hindi gaya ng isang 'yon. Pagkatapos nagtataka pa 'yang si Snap kung bakit walang tiwala si Cloudie sa kanya."
Natawa lang si Oreo. Kung ibabaling niya ang atensiyon sa problema ng mga kaibigan, makakalimutan niya ang kanya. Inangat ni Oreo ang baso ng alak niya, at iniumpog iyon sa baso ni Stone. "Let's cheers to that."
Habang nag-iinuman sina Oreo at Stone sa bar ay nakipagsayaw naman si Snap sa mga babae. Pero nang lumapit na ang mga babae sa kanilang dalawa, nailang na si Stone at biglang umalis. Sa halip na magalit, natuwa pa si Oreo. Ibig sabihin lang, ganoon katapat si Stone kay Kisa. His stepsister had found a good man.
Nang maiwang mag-isa ay hinarap na niya ang dalawang babaeng mabilis lumingkis sa kanya. Before he knew it, he was already making out with them. He was kissing the girl in front of him, while the girl behind him had her arms around his waist while kissing his neck.
Ah, this is life.
Oreo could have asked the girls if they wanted to go to his place—or if his car would do—when he heard a sound of something breaking.
Humiwalay siya sa babaeng kahalikan para lingunin ang pinagmulan ng ingay. Biglang nawala ang kalasingan niya nang makita si Kookie na halatang lasing na naman at kakarampot uli ang suot. Napapaligiran ito ng mga socialite na naging artista, at base sa galit na mukha ng mga babae, mukhang hindi magandang komprontasyon ang nagaganap.
"How dare you sleep with Branon! You know he's my boyfriend!" sigaw ni Nina, anak-mayaman na minsan nang nakatrabaho ni Oreo nang gumawa siya ng isang music video ng isang indie band kung saan ang babae ang leading lady.
"Ex," pagtatama ni Kookie, saka bumungisngis. "You're just his crazy ex now, bitch."
"What did you say, you slut?!"
"You're just jealous I get to sleep with hot guys who dump you," nayayamot na sagot ni Kookie, habang binibigyan ng nagmamalaking tingin si Nina.
Napapikit na lang si Oreo nang sugurin ni Nina si Kookie, at ang sunod na ingay na nangibabaw sa buong bar—na dinaig pa ang malakas na musika—ay ang sigawan, murahan, at iyakan ng mga babaeng kasangkot sa nagaganap na catfight.
Usually, he enjoyed catfights because it was hot to watch gorgeous women wrestle each other. Specially when they get naked. Pero hindi ngayon. Hindi kapag si Kookie ang kasangkot.
Don't look, Oreo, saway niya sa sarili. May dalawang babae ka pang dadalhin sa bahay mo para magpakasaya ngayong gabi. Huwag mong idamay ang sarili mo sa gulo ng weirdong babaeng 'yon, okay?
"Oh, God. Kookie's nose is bleeding," sabi ng babaeng kahalikan ni Oreo kanina.
"Nina can really be a psychopath when provoked," iiling-iling na komento naman ng isa pa.
Hindi na nakatiis si Oreo at nagmulat na siya ng mga mata. Nagulat siya nang makitang dumudugo na nga ang ilong ni Kookie na hindi makakilos dahil hawak ito ng dalawang babae sa magkabilang braso habang pinagsasasampal ito ni Nina.
Walang tumutulong kay Kookie. Sa halip ay naghihiyawan pa ang mga babae na halatang kampi kay Nina. Habang ang mga lalaki naman, abala sa pagkuha ng video.
Tumayo si Oreo, hindi pinansin ang mga kasamang babae na pinipigilan siya sa pag-alis. Naglakad siya palapit sa kaguluhan. Hinapit niya sa baywang si Nina at inilayo kay Kookie sa kabila ng pagtutol ng una.
"Shut up or I'll sue you for this," banta niya kay Nina, bago niya pinakawalan. Pagkatapos ay pinukol niya ng masamang tingin ang dalawang babaeng may hawak kay Kookie. "Bitawan n'yo siya kung ayaw n'yong madamay."
Mabilis naman binitawan ng dalawa si Kookie na malamang ay bumagsak sa sahig kung hindi niya nasalo.
Napabuntong-hininga na lang si Oreo, saka binuhat si Kookie na ipinulupot ang mga braso sa leeg niya, at idinikit ang pisngi sa kanyang dibdib. Agad na lumambot ang puso niya sa awa dahil sa kalagayan ng dalaga ngayon. Nilamon din siya ng konsiyensiya dahil nagawang tiisin ang dalaga dahil lang sa pagiging makasarili. "You'll be fine, baby."
"You're also sleeping with that slut, Oreo?" nang-uuyam na tanong ni Nina.
Pinukol ni Oreo si Nina ng nayayamot na tingin. "You're just jealous Kookie gets to sleep with hot guys who dump you."
***
"I HEARD what you said earlier, Oreo," nangingiting sabi ni Kookie habang nakahiga sa sofa at ginagamot ni Oreo ang mga sugat. "Did you dump Nina before, that crazy b***h?"
Bumuntong-hininga si Oreo saka marahang idinampi ang bulak na may Betadine sa gilid ng mga labi ni Kookie na napapiksi. "Sorry. As for your question, I refuse to answer that, baby."
Natawa si Kookie. "You don't have to say anything, baby. Sa nakikita ko, halata namang iniwan mo si Nina. Kahit ako ang lalaki, gano'n din ang gagawin ko. So, how long did you two last?"
Hinagis ni Oreo ang bulak na ginamit sa trash bin malapit sa kanya, at suwerteng pumasok naman iyon. "Nalinis ko na ang sugat mo. Pasensiya ka na pero wala akong magagawa sa pamamaga ng pisngi mo. But don't worry, you still look hot."
Naningkit ang mga mata ni Kookie na parang sinusuri ang mukha ni Oreo. "Ah. You probably just had a s****l relationship with Nina. Pagkatapos, akala niya ay kayo na kaya naging clingy na siya sa 'yo. So, in the end, you had to dump her so she would stop pestering you."
Napakurap siya sa gulat. Ganoon nga ang nangyari sa kanila ni Nina. Dahil siya ang direktor ng music video na pinagbidahan ni Nina noon, naging malapit sila. And well, they had been physically intimate with each other for a while. Pero umasta naman si Nina na parang may relasyon na sila, kaya napilitan siyang "makipaghiwalay" dito kahit para sa kanya ay wala naman talagang sila.
Pinitik ni Kookie ang ilong ni Oreo. "I was right. Ganyan din ang nangyari kina Nina at Branon. They just had a one-night stand, pero akala ng bruhang 'yon, sila na. Lumabas tuloy na si Branon ang masama for, well, sleeping with me."
Naikuyom ni Oreo ang mga kamay. Hindi niya inasahang sa kabila ng kaalaman tungkol sa nangyari kina Kookie at Branon, masasaktan pa rin siya na marinig iyon mismo mula sa dalaga.
Siguro nga tama ang mga kaibigan niya nang sabihing masyado na siyang matanda para magka-crush. Malamang, sa lumipas na pitong taon mula nang unang makita si Kookie, hindi lang simpleng pagka-"crush" ang nararamdaman niya para sa dalaga. Maybe, just maybe, he didn't realize that his simple admiration for the girl he saw sucking a lollipop in a TV ad years ago had grown into something deeper.
Infatuation, perhaps?
"May masakit pa ba sa 'yo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" pag-iiba na lang ni Oreo sa usapan. Kanina, balak talaga niyang dalhin sa ospital si Kookie dahil dumudugo rin ang ilong nito. Pero pinigilan siya ng dalaga at sinabihang iuwi na lang ito sa condo unit nito dahil tiyak daw na matsitsismis lang uli ang dalaga kapag mas maraming tao ang nakakita rito sa ganoong estado. Kaya nang makarating sila sa tinutuluyan nito, siya na ang nagkusang maglinis at gumamot ng sugat ni Kookie. A drunk woman couldn't possibly do that.
Bumuntong-hininga lang si Kookie saka seryosong pinagmasdan si Oreo. "Tinakbuhan mo 'ko nang sabihin kong succubus ako. Kaya bakit inaalagaan mo 'ko ngayon?"
Nag-init ang mukha niya dala ng pagkapahiya. Kung ganoon, napansin pala ni Kookie na nagmamadali siyang umalis matapos niyang ihatid sa condo unit ang dalaga noong nakaraan. Gusto sana niyang magpaliwanag, pero naalalang wala siyang palusot o matinong katwiran sa kanyang inakto. Kaya tinanggap na lang niya ang pagkakamali. "I'm sorry about that."
"Okay lang. Normal lang naman sa mga taong tulad mo ang matakot sa kakaibang nilalang na gaya ko," nakangising sabi ni Kookie.
Noong una ay hindi talaga nagustuhan ni Oreo ang pagsisinungaling ni Kookie tungkol sa pagiging succubus umano nito. Pero ngayong nakikita niya ang paglalaro ng kapilyahan sa mga mata at ngiti nito, gumaan ang pakiramdam niya at natanggap na ang kasinungalingan nito na parang private joke nilang dalawa.
"Yes, I got scared because you're different," pag-amin niya kunwari. "Pero na-realize kong cool din pala ang magkaro'n ng..." Napasimangot siya. Hindi niya magawang sabihin ang salitang "kaibigan." "You're cool."
"Is sleeping around cool for you?" natatawang tanong nito.
May sumuntok na naman sa sikmura at dibdib ni Oreo. Pero pinilit niyang itago ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. "It's not... if you're a normal girl. Pero dahil succubus ka, naiintindihan kong kailangan mong gawin 'yon para hindi ka maubusan ng life force, 'di ba?"
Sa pagkagulat niya, biglang ipinalupot ni Kookie ang mga braso sa leeg niya, pagkatapos ay hinatak ang batok niya para bumaba ang mukha niya sa mukha nito hanggang sa magdikit ang kanilang mga ilong. "I think I need a life force right now, baby..."
Napalunok si Oreo. Sinasabi ng utak niya na mali iyon, na lasing si Kookie, at may karelasyon ito ngayon. Pero ang puso at katawan niya, isinisigaw naman na sundin ang gusto niyang gawin—ang halikan ang baliw na babae na nagpapabaliw rin sa kanya. It was so damn hard to resist Kookie, especially if her minty breath—which smelled like alcohol, but nevertheless still intoxicating—was fanning his face.
Bumilis ang t***k ng puso niya, na halos hindi na siya makahinga sa sobrang pagkasabik sa pagdidikit ng mga labi nila. And it was funny because he had tasted so many lips, but this was the only time he had anticipated a kiss.
Mali 'to, saway pa rin ni Oreo sa sarili. Get your act together!
Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Dahil sa ingay na iyon ay natauhan siya bigla. Mabilis siyang lumayo kay Kookie at inihilamos ang mga kamay sa mukha.
Shit, Oreo! Ano ba'ng nasa isip mo? Huwag kang manulot ng girlfriend nang may girlfriend!
"Kookie?"
Bumangon si Kookie mula sa pagkakahiga sa sofa. "Welcome back, Branon."
Napaderetso ng upo si Oreo. Nang alisin niya ang mga kamay sa mukha, nabigla siya nang makita si Branon na nakatayo sa harap ni Kookie, walang reaksiyon habang nakatingin sa kanya. Kilala niya si Branon dahil sikat itong professional photographer. Nakikita niya ang lalaki kapag sinasamahan ang stepsister na si Kisa—na isang kilalang artista—sa mga photo shoot nito. Siguradong kilala rin siya ni Branon dahil nagkakabungguan naman sila sa mga party.
"Oreo," bati ni Branon. Mukha namang hindi ito nagulat o nagtaka kung bakit nandoon siya.
Mabilis na tumayo si Oreo. "Branon." Iminuwestra niya si Kookie na nakangisi lang na para bang aliw na aliw habang pinapanood siya. "Hinatid ko lang si Kookie dahil may nangyari kanina sa bar."
"Binugbog ako ng mga malditang socialite," pagsusumbong ni Kookie kay Branon na parang bata, pagkatapos ay yumakap ito sa baywang ng lalaki. "Mabuti na lang, nando'n si Oreo at tinulungan niya 'ko."
Hinimas-himas ni Branon ang buhok ni Kookie. "Is that so? Are you okay?"
Tumango si Kookie. "I'll get back at them as soon as I can."
Tinawanan lang iyon ni Branon saka nilingon si Oreo. "Salamat, pare. Dito ka na maghapunan para naman makapagpasalamat kami ni Kookie sa ginawa mo."
"Oo nga," sang-ayon naman ni Kookie. "Masarap magluto si Branon. Stay here for dinner."
Nagpalipat-lipat ng tingin si Oreo kina Kookie at Branon. And that was when realization hit him hard in the gut. Napaderetso siya ng tayo at pinigilang magtagis ang mga bagang. Pinilit niyang ngumiti para hindi magmukhang bastos. "Maybe next time. Salamat sa imbitasyon, pero kailangan ko nang umalis. Goodnight to both of you."
Hindi na nagpapigil si Oreo kina Kookie at Branon, at walang lingon-likod siyang lumabas ng condo unit. Nang nasa kotse na, inumpog niya ang ulo sa manibela. "s**t, Oreo Apostol. Why are you attracted to a woman who's already living with another man?"