"I MEAN, they're practically married. Ang gago ko naman kung makikieksena pa 'ko, 'di ba? Marami pa namang ibang babae diyan," himutok ni Oreo habang nagpapapawis sa treadmill.
Kumunot ang noo ni Tazmania, pero hindi siya nilingon. "Who? Kookie and Branon?"
"Yes! Nakatira sila sa iisang unit."
"Ah, yes. We live in the same building, magkaiba lang ng floor. Narinig ko nga na lumipat si Kookie sa condo unit ni Branon. They're housemates now."
"Housemates? More like live-in partners than housemates," iritadong pagtatama niya.
Hindi naman ganoon kamanhid si Oreo para hindi maramdamang nagsasama na sina Kookie at Branon sa condo unit na iyon nang gabing ihatid niya ang dalaga. Sa kilos pa lang ni Kookie, halatang komportable-komportable na ito sa paglingkis kay Branon.
And then the images from Kookie and Branon's s*x video flashed in his mind.
So f*****g genius, Oreo. Ano pa ba'ng aasahan mo sa kanila pagkatapos mong malaman kung gaano na kalalim ang relasyon nila?
"Ah, so... nagpasama ka lang ba sa 'kin dito sa gym para ilabas sa 'kin ang galit mo sa mundo?" walang emosyong tanong ni Tazmania.
Napabuntong-hininga na lang si Oreo. Sa ganitong pagkakataon, hindi dapat si Tazmania ang kinakausap niya dahil matigas pa sa bato ang puso nito. Hindi puwede si Garfield dahil hindi ito umaalis ng bahay kapag Linggo dahil "family day" umano iyon. May date naman ang stepsister niyang si Kisa at si Stone. Si Snap naman, hindi niya mahagilap. Malamang ay kasama pa rin ng mokong na iyon ang babaeng kabolahan nito sa bar. Lagot na naman ang lalaking iyon kay Cloudie kapag nagkataon.
Si Tazmania lang talaga ang puwede nang araw na iyon dahil bukod sa wala itong babae sa buhay gaya niya, negosyo rin ang pinag-usapan nila kanina. Gusto kasi ni Tazmania na kunin siyang direktor para sa unang pelikulang ilalabas ng Devlin Films sa ilalim ng pamumuno nito. Ang sabi niya ay pag-iisipan niya muna.
Bagitong direktor man si Oreo, alam niya kung ano ang gusto niyang gawin. Kaya nga mas nag-focus siya sa paggawa ng indie movies at paggawa ng mga music video para sa mga indie bands, para masunod ang kagustuhan niya bilang artist hindi ang kagustuhan ng "masa." Kung papayag siya sa alok ni Tazmania na humawak ng isang "mainstream" movie, tiyak na may kakailanganin siyang baguhin sa istilo niya.
Gayunman, hindi pa rin ganoon kadaling tanggihan si Tazmanian Devlin Fortunate.
Pagkatapos ng pag-uusap tungkol sa offer na iyon, hindi na napigilan ni Oreo na sariling maglabas ng sama ng loob kay Tazmania dahil ito lang naman ang kasama niya.
"Hindi pala galit sa mundo," mayamaya ay pagtatama ni Tazmania sa sarili. "Pagseselos pala kay Branon dahil nasa kanya ang babaeng gusto mo."
"Ako? Nagseselos?" Tumawa nang pagak si Oreo, pero nanatiling seryoso si Tazmania. "Nah, I don't like Kookie that much."
"Okay. May sasabihin pa naman sana ako sa 'yo na baka makatulong, pero huwag na lang pala, tutal mukha namang hindi ka interesado," sabi ni Tazmania. Unti-unting bumagal ang takbo nito sa treadmill, hanggang sa tuluyan iyong huminto. Pagkatapos ay umalis na ito at naglakad papunta sa bench.
Tinapos na rin ni Oreo ang drill niya sa treadmill bago sinundan si Tazmania. Nabitin siya sa sinabi nito. "Ano 'yong sasabihin mo, Taz?"
Tiningnan lang siya ni Tazmania, bago nito tinungga ang energy drink pagkatapos ay tinalikuran siya.
"Hey! May sinabi ka kaya tapusin mo," sumbat ni Oreo kay Tazmania nang umagapay siya ng lakad.
"Never mind. You don't like Kookie that much, do you?"
Natagis ang mga bagang ni Oreo. Kilala ni Tazmania si Kookie dahil ayon sa nabalitaan niya noon, gusto ng Devlin Films na kuning artist si Kookie, pero tumanggi ang dalaga. At sa pagkakatanda niya, magkaibigan sina Tazmania at Branon dahil madalas na makita ang dalawa na nag-uusap sa mga social event.
"May alam ka tungkol sa dalawa, 'no?" pangungulit niya. Nang ngumisi lang ang lalaki, napilitan siyang umamin. "Fine! I like Kookie a lot! Puwede mo na sigurong sabihin ang nalalaman mo?"
Hinimas-himas ni Tazmania ang baba na parang nag-iisip. "Well, sasabihin ko na lang ang nalalaman ko kapag ibinigay mo na sa 'kin ang desisyon mo tungkol sa alok ko sa 'yo."
"What?"
Ngumiti lang si Tazmania, ngiting negosyante.
Napaungol si Oreo. "I knew it. You're not sincere when you said you'll waitpatiently for my decision. You're a very impatient man, Taz."
"I just believe that time is gold for businessmen like me, Oreo Apostol."
Napaungol na reklamo ni Oreo. "Hindi ako naniwala noon sa mga narinig ko na wala ka raw puso. And I regret it now."
"I'm not heartless, Oreo. I'm a businessman," natatawang depensa ni Tazmania, saka sinipat ang relong-pambisig. "I have an appointment an hour from now. Kailangan ko pang umuwi kaya kung magdedesisyon ka ngayon, pakibilisan. Puwede rin namang sa ibang araw na tayo mag-usap uli."
Napaungol uli si Oreo. Sa tingin ba nito ay makakatulog pa siya matapos siya nitong bitinin? Nagawa tuloy niya ang pinakamabilis na desisyon sa buhay niya. "Fine. I accept your offer, Fortunate. Ako ang hahawak sa unang pelikula na ilalabas ng Devlin Films sa ilalim ng pamumuno mo."
Tazmania smiled triumphantly. Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa kanya. "Hindi mo 'to pagsisisihan, Apostol."
Tinapik lang niya ang kamay ni Tazmania na ikinatawa lang ng gago. "Sabihin mo na kung ano'ng nalalaman mo tungkol kina Kookie at Branon."
"This is just a hunch..."
"Hunch?! Niloloko mo ba 'ko, Taz?"
Iwinasiwas lang ni Tazmania ang kamay, binabale-wala ang pag-iinit ng ulo ni Oreo. "Hindi pa 'ko nagkamali ng kutob, Oreo. Matagal ko nang kilala sina Branon at Kookie dahil hindi naman naghihiwalay ang dalawang 'yon. Pero kahit kailan, hindi ko naramdaman na may namamagitan sa kanila. Kahit alam kong nakatira sila sa isang unit, malakas ang pakiramdam ko na walang nangyayari sa kanila."
Kumunot ang noo niya. "Hindi ko maintindihan."
"Are you that dense?" kunot-noong balik-tanong ni Tazmania. "Hindi mo ba nararamdaman o napapansin man lang na may kakaiba kay Branon?"
Kakaiba...
Binalikan ni Oreo ang gabing nahuli siya ni Branon sa unit nito kasama si Kookie. Hindi man lang dumaan ang inis, pagtataka, o gulat sa mukha ni Branon na reaksiyon dapat ng lalaking nahuli ang girlfriend na may kasamang iba. Kung siya si Branon, baka nasapak na niya ang lalaking mahuhuling kasama ni Kookie sa condo unit nila.
Pero hindi. Nginitian lang siya ni Branon at inalok pang ipagluluto ng hapunan.
Napasimangot si Oreo. "Come to think of it, his reaction was kinda off that night. He's too kind, too thoughtful."
"Too soft," segunda naman ni Tazmania. "Just like a woman."
Napaderetso siya ng tayo sa realisasyong nabuo sa kanyang isip. "You think Branon is gay?"
Nagkibit-balikat si Tazmania. "There's nothing wrong with being gay. Ang akin lang, kung hindi straight si Branon, imposibleng magkarelasyon sila ni Kookie. At kung tama ang hinala kong 'yon, may pag-asa ka pa kay Kookie."
"But Kookie and Branon have a s*x video, Taz."
"Yes, I've seen the video and it's too lame in my opinion. Kookie was obviously faking it," nayayamot na sabi ni Tazmania. "Tinapos mo ba ang video, Oreo? Malamang hindi. Dahil kung pinanood mo 'yon nang mabuti, napansin mo sana na si Kookie lang ang gumagalaw sa eksaheradong paraan."
Kumunot ang noo ni Oreo. "Bakit pinanood mo ang video na 'yon?"
"Because I'm curious. Alam kong bakla si Branon, kaya gusto kong malaman kung totoo ang s*x video na 'yon. At ayon sa obserbasyon ko, peke iyon. Saka nakakapagtaka rin na walang reaksiyon sina Kookie at Branon sa pagkalat ng video. So I therefore conclude, something fishy is going on with those two."
Dinukot ni Oreo ang lollipop sa bulsa niya, binalatan iyon at isinubo habang nag-iisip. Kailangan kasi niya ng matamis kapag ginagamit ang isip. Kung totoo ang sinabi ni Tazmania, bakit naman ilalagay ni Kookie ang kahihiyan nito bilang babae sa pagpapakalat ng s*x video kasama si Branon? "Bakit naman nila gagawin 'yon?"
"It's for you to find out, lollipop boy."
"Kailangan ko munang alamin kung totoong bakla o hindi si Branon," desisyon ni Oreo, may mga plano nang nabubuo sa kanyang isip. "Hey, Taz. Ang sabi mo kanina, doon ka rin nakatira sa condominium building ni Branon. Can you help me with something?"
"Only if you sign the contract tomorrow morning."
"Ah, f**k you, bastard."