ORLENE Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng katok sa pinto. Hindi ko alam kung anong oras na ba. Medyo madilim pa kasi sa loob ng kwarto ko. Masyado ring makapal ang kurtina sa bintana kaya hindi tumatagos ang liwanag mula sa labas. Wala akong pasok ngayon dahil rest day ko. Sinadya ko talagang gumising ng tanghali dahil gusto kong bumawi ng tulog. Ilang araw rin akong palaging maaga gumigising kaya gusto ko rin sanang sulitin ang isang araw na day off ko. Kaso nga lang mukhang hindi ko magagawa iyon dahil sa kumakalampag sa labas ng kwarto ko. Napilitan akong dumilat at tignan ang oras sa phone ko. Halos masilaw pa ako sa liwanag niyon. Nakita kong mag-7am pa lang. Sobrang aga pa talaga. Gusto ko pa sanang matulog pero sa lintik na kumakatok ay tuluyan na ring nagising ang diwa ko. Kan

