ORLENE Lulan na ako ng sasakyan ni Sir Lorenzo Clyde. At habang nagmamaneho ito ay pasimple ko siyang sinisipat. Tahimik lang kasi ito at naka-concentrate sa pagda-drive. Hindi ko tuloy napigilang lihim na mapangiti. Kinikilig ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakasakay ako sa kotse nito ngayon. Sinong mag-aakala na magkikita kaming dalawa? At ang magiging dahilan pa pala ay ang ginang na tinulungan ko kanina ro'n sa supermarket. Related pala ang dalawa sa isa't-isa. Napag-alaman kong tiyahin niya pala ito at nakilala kong si Mrs. Amelia Manalo Salvador ang pangalan nito. Ayokong sabihin na coincidence lang ang lahat ng ito. Itong pagkikita at pagkakasama namin pero gusto ko siyang isipin na pinagtagpo talaga kami ng tadhana. That we are really meant to be meet. A

