CHAPTER 12

1817 Words

ORLENE "Hoy! Ngiting-ngiti?" Nagulat pa ako nang marinig ko iyon. Napatigil ako sa pag-iisip ko habang inaalala ang buong nangyare kagabi kung saan inihatid nga ako ni Sir Lorenzo Clyde sa bahay namin mismo.Talagang ginawa at sinunod nito ang utos ng tiyahin niya kahit pa nga napipilitan lang ito at labag sa loob nito. Kahit na pagkalayo-layo ng bahay namin at na-cancel ang lakad nito dahil sa akin. Kahit na sinabihan ko na itong 'wag na niya akong ihatid pa at hindi ko naman siya isusumbong. Pero hindi pa rin ito pumayag. Talagang pinag-drive at inuwi niya ako sa amin. Sadya lang sigurong masunurin si Sir Lorenzo Clyde. At takot lang din nitong magalit ang tiyahin nito sa kanya. Nagulat pa sina Mama at Papa nang may humintong kotse sa labas ng bahay namin at makitang sakay ako niyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD