ORLENE "Hoy! 'Wag kang ngumanga diyan. Tinatanong kita. Sagutin mo ako," untag sa akin ni Marian. Natigilan kasi ako sa mga tinanong nito. Hindi ko kasi alam paano nito nasabi iyon. Paanong nakahubad si Sir Lorenzo Clyde? As in wala na ba talaga itong suot na kahit ano noong napagbuksan niya ito? Nakita ba nito ang hindi dapat makita nito? Eh, ang huling pagkakatanda ko ay bago ako nahimatay ay suot pa naman nito ang long sleeves nito. Binuksan lang nito ang mga butones niyon dahil sobrang init nga nang time na iyon sa loob pero hindi naman nito hinubad iyon. Suot pa rin nito iyon. Kaya nagtataka lang ako. "'Wag mo akong sigawan. Hindi ako bingi," sabi ko sa kanya. "Hindi ka kasi sumasagot. So, ano nga? Bakit wala siyang pang-itaas na damit? Siguro may nangyare na, no? 'Day, ha? Bak

