CHAPTER 6

2133 Words
LORENZO CLYDE Kagagaling ko lang sa isang kwarto para mag-check muli kung totally malinis na ba iyon at wala nang tao pa roon. Nang sumilip kasi ako kanina ay naabutan ko roon ang dalawang chambermaid na sina Marian at Orlene na naglilinis at nag-aayos ng beddings ng kama. Pero napansin kong si Marian lang ang gumagawa niyon samantalang si Orlene naman ay nakatayo lang at nakatunganga. Hindi ito tumutulong sa kasama nito. Para bang natigilan ito nang makita akong pumasok. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanya. Medyo nagtaka pa ako dahil anlayo ng reaksyon nito sa mga nagiging reaksyon naman ng iba pang mga empleyado kapag nakita na akong paparating na halos nanginginig na sa takot at natataranta pa na hindi alam ang gagawin. At 'yong iba naman ay kanya-kanya nang tago para iwasan ako o 'di kaya ay nagiging busy-busyhan na para masabi lang na may ginagawa. 'Yong tipong alam na nilang pupwede ko silang sitahin at pagalitan kapag may nakita akong pumipetiks at walang ginagawa. May mga bagay akong mapapansin na hindi kaaya-aya sa paningin ko. Mga kalat na hangga't maari ay ayaw na ayaw kong makakita. Mga ganoong dahilan. Pero hindi man lang ito natinag sa pagkakatayo nito. Nagawa pa nitong makipagtitigan sa akin na para bang ngayon lang niya ako nakita nang malapitan. Nasiip kong ang lakas naman ng loob nito na gawin iyon. At ito lang ang bukod tanging nakagawa niyon. Ni hindi man lang ito nasindak sa presensya ko. Ni hindi ko rin siya nakitaan ng takot na baka pagalitan ko siya dahil nakita ko siyang walang ginagawa. Sa halip ay nanatili lang ito sa kinatatayuan nito. Still looking at me. Titig na titig na parang wala na sa sarili. Kaya hindi na rin ako nakapagpigil pa na sitahin siya. At bumalik ito sa katinuan at tuluyang nataranta at naghagilap ng gagawin. Napakuno't noo na lamang ako. Ang weird lang kasi ng reaksyon at kinikilos nito. At hindi ko alam ang nangyayare sa kanya. Kilala ko naman si Orlene as an employee. Actually, halos lahat naman sila na under sa akin at nagtatrabaho sa Housekeeping department. Pwera na lang siguro sa mga bagong hire na hindi ko pa masyadong nakakasalamuha. Kilala ko na sila sa pangalan at mga mukha pero hindi ko lang kasi sila pinapansin kapag bumabati ang mga ito. Gusto ko lang kasing pangatawanan ang imahe ko. Gusto ko 'yong ando'n pa rin ang takot at paggalang nila sa akin bilang manager nila. Ayokong magpakita ng pagiging mabait ko. Ayokong ipakita ang ibang side ko dahil baka 'pag ginawa ko iyon ay isipin nilang okay lang na pumetiks sila. Maging bara-bara na lang ang linis na gawin nila at siyempre ang makakita ng kadugyutan na pinaka-ayaw ko talaga sa lahat. Ayokong maging masyadong maluwag at baka hindi na nila seryosohin ang mga trabaho nila. Ayokong maging tropa-tropa kami porke't mabait ako sa kanila. Kahit paano ay gusto ko pa ring maging strikto dahil pangalan ng hotel ang nakasalalay sa mga trabahong ginagawa nila. We aim for cleanliness and orderliness sa bawat kwartong binibigay sa mga guest na magche-check in. At do'n pa lang ay dapat excellent na. Alam ko matagal-tagal na ring nagtatrabaho si Orlene rito sa hotel. At ilang beses na ring naging employee of the month. Ibig sabihin lang ay masipag ito at ginagawa nito ng maayos ang trabaho nito. Very dedicated at passionate. Pina-follow ang standard procedure at hindi gumagawa ng kalokohan at mga pinagbabawal na teknik. Never rin nale-late o umaabsent ito. Very flexible sa time schedule. At siyempre good example sa kapwa nito empleyado. Pero sa mga nakita ko kanina ay parang kabaliktaran yata ang lahat sa qualities ng isang good employee. Parang hindi yata nito deserve ang award dahil sa napansin ko. Ayokong maging judgemental pero minus points agad ito sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanya pero sana alam nitong nasa oras ito ng trabaho at hindi para tumunganga at titigan ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa nito. Alam naman ng buong Housekeeping department kung gaano ako kahigpit pagdating sa kalinisan at kaayusan sa area na hawak ko. Kilala na nila ang ugali ko. Wala akong pinapalampas kapag may nakikita akong hindi ko gusto. May pagka-OC pa naman ako at gusto ko laging organize ang lahat. I want to give every guest a good accomodation and excellent experience while staying in Hotel Triveno. At bilang Housekeeping Manager ay gusto ko ring masiguro na walang magiging problema. Ayoko ng guest complaints dahil lang sa magulo at maduming mga kwarto. Ayoko ng aberya dahil sa kadugyutan. Ayoko ng mga empleyadong tatamad-tamad. Gusto ko ng maayos at malinis. Gusto ko na busy at may ginagawa ang lahat. Hate na hate ko talaga na makakita ng mga wala sa ayos. Alam nila kung paano ako magalit at ayoko rin namang magalit sa kanila dahil sa mga kapalpakan. Hangga't maari ay dapat maging smooth at light lang ang work flow sa department ko. Basta ginagawa nilang maayos ang trabaho nila, walang magiging problema sa akin. Nagtuloy ako papuntang elevator. Matapos kong pindutin ang button ay naghintay pa ako ng ilang saglit bago iyon tuluyang bumukas. Nagulat pa ako nang makita na nasa loob niyon si Lorkan. Mabilis akong pumasok sa loob at pinindot ang ground level button. "Sa'n punta mo?" tanong ko kay Lorkan nang umandar na ang elevator pababa. Napansin ko rin kasi na hindi na ito naka-chef uniform. "Ah, do'n sa kabilang resto," sagot nito na ang tinutukoy ay ang kakabukas lang nitong restaurant na Wok and Pan na nasa labas ng hotel. "Bakit? May problema ba?" "Wala naman. Magche-check lang ako do'n," aniya. "Ganoon ba?" "Oo. Punta ka rin do'n minsan. Sama ka kila Kim at Wookie 'pag pumunta sila. Nang matikman mo naman ang mga specialty ko 'ron," imbenta pa nito. "Oo, ba!" sang-ayon ko. Hindi pa kasi ako nakakapunta roon simula nang mag-grand opening ito noong nakaraan. Medyo busy pa kasi kaya wala talagang time para sumaglit doon. "Asahan ko 'yan, ha?" ani Lorkan at saka ngumiti sa akin. Napangiti lang din ako sa kanya. "Sa'n ka pala galing?" tanong muli niya. "Ah, doon sa 10th floor. Nag-check lang ako ng mga kwarto roon. May mga naglilinis kasi kaya sinigurado ko lang," sagot ko. Hanggang sa tuluyan nang huminto ang elevator sa ground floor at bumukas iyon. Sabay kaming lumabas. "Sige, brad. Alis na muna ako," paalam ni Lorkan sa akin sabay tapik sa balikat ko. "Sige, brad. Ingat ka," sabi ko sa kanya at saka ito naglakad papuntang lobby. Nagtuloy naman ako sa paglalakad papuntang opisina ko. Bago pa ako makarating doon ay napansin ko ang mga ojt na lumalabas mula sa holding room kung saan ginaganap ang orientation ng mga ito. Pagkakaalam ko ay last day na ng mga ito ngayon bago sila isalang at i-assign sa iba't-ibang gawain ng bawat department ng hotel. At ilan sa kanila ay mapupunta sa Housekeeping sa mga susunod na araw para mag-training. Mukhang lunch break na yata ang mga ito kaya lumabas ang mga ito. Napansin ko agad na ang iingay ng mga ito. Ang lalakas kasi ng mga boses habang nag-uusap. Tapos nagtatakbuhan pa ang ilan sa kanila at naghahabulan pa sa hallway. Dahil do'n ay naningkit agad ang mga mata ko. Hindi ko gusto ang mga nakikita at naririnig ko. Masyadong maingay at magulo. Nasa orientation pa lang ang mga ito pero sobrang gulo na. Hindi pa nagsisimula ang on the job training nila. How much more 'pag nasa actual na sila. Hindi ito pupwede sa akin. Ayokong magkaproblema nang dahil sa mga ito. Lalo na ang mga maa-assign at mapupunta sa department ko. Hindi pwedeng ganito. Mabubulahaw at maiistorbo ang mga guest sa ginagawa nila. At hindi malabong ma-guest complaints. Gusto ko sana silang sitahin at pagalitan pero nagpipigil lang ako. Baka kasi matakot ang mga ito at biglang mag-back out. Kailangan na kailangan pa naman namin ng mga additional na tauhan lalo na at palapit na ang peak season. Kung saan halos punuan na ang mga kwarto at sabay-sabay pa ang mga check in at check out. Gano'n din ang mga lilinisin. Kaya dapat marami kaming manpower no'n para hindi mahirapan ang mga tauhan ko. Nasa last day na sila ng training pero mukhang nakalimutan yata nang nagtuturo ang mga do's at don'ts. Mga dapat gawin habang narito sila sa loob ng hotel vicinity. Hindi yata alam ng mga ito na bawal ang magulo at maingay rito. Hindi naman ito playground. This is a hotel. I'm really disappointed sa trainor nila. At mukhang kailangan ko itong kausapin bago matapos ang training nila ngayong araw. Maya-maya pa ay tuluyan na ring lumabas mula sa holding room ang trainer na nagtuturo sa mga ito na si Jade. Tinawag ko siya. "Jade!" Nagulat pa ito nang makita ako. Agad itong lumapit sa akin. "Yes po, sir?" aniya. "Lunch break ba ng mga trainees?" "Yes po, sir." "Ano nang dini-discuss mo sa kanila ngayon?" "Nasa groomings na po. Bakit po?" tanong muli nito na halatang kinabahan. Mababakas kasi sa mukha nito. "Mukhang nakalimutan mo yata i-discuss ang mga do's at don'ts habang andito sila sa hotel." "Nai-discuss ko na po kahapon pa po." "Pwes, hindi nila sinusunod at ginagawa iyon. Ang gugulo at ang iingay pa rin nila habang palabas na sila. Ang lalakas pa ng mga boses at nagtatakbuhan pa sa hallway. Pwede ba bago matapos ang orientation mamaya i-remind mo ulit sa kanila. Ulitin mo sa kanila ang mga tinuro mo kahapon, na hindi pwede ang gano'n dito. This is not a play ground, okay? This a five star hotel where our guest stay para magpahinga at mag-relax. Hindi pwedeng gano'n ang attitude nila 'pag isinalang na sila sa mga department na paglalagyan sa kanila. Lalo na sa department ko. Ayoko nang maingay at magulo ang ilagay do'n. Naiintindihan mo ba, Jade?" mahabang litanya ko. "Yes, sir," sagot ni Jade at napayuko. "Pasensya na po, sir. Pagsasabihan ko po uli sila mamaya pagbalik nila. Pasensya na po talaga." "Sige. Make sure na i-apply na nila 'yan kapag nag-start na silang dumuty. Naiintindihan mo naman ako 'di, ba?" "Yes, po. Gets ko po." "Mabuti kung gano'n. Aasahan ko 'yan." "Okay po." "You can go now," sabi ko sa kanya. At tuluyan nang tumalikod si Jade para umalis. Ayoko namang maging kontrabida sana pero I need to do this. I just want to be as strict as I can. Para na rin sa hotel. Iniiwasan ko lang ang mga problema. At sa tingin ko naman ay required iyon at kailangan nilang matutunan iyon bago sila sumalang sa totoong ojt nila. May mga rules na kailangan nilang sundin since andito sila for ojt nila. Dapat habang ojt pa lang sila ay alam na nila kung paano ang umakto nang nagtatrabaho sa isang hotel. They should know how to act and to be a professional. Sana lang ay sumunod ang mga ito kapag ma-discuss na muli iyon ni Jade sa kanila. Tuluyan akong tumuloy para pumasok sa loob ng opisina ko. Nagtuloy-tuloy akong naupo sa swivel chair na nasa may lamesa ko. Sumandal ako at napabuntong hininga. Medyo napagod ako. Natigilan ako saglit nang bigla kong naalala muli si Orlene dahil sa naging reaksyon nito nang pumasok ako kanina sa kwartong kinaroroonan nila ni Marian. There's something in the way she look at me. At hindi ko talaga makakalimutan ang mga tingin niyang iyon. Tinitigan niya talaga ako na para bang ngayon lang niya ako nakita. Wala pang ni isa ang nag-attempt na salubungin ang tingin ko at makipagtitigan sa akin ng gano'n. At ito lang ang nakagawa niyon. She's the only one. Hindi ko alam kung anong dahilan nito kung bakit ganoon ito makatingin sa akin. Hindi kaya may dumi ako sa mukha ko at kanina pa akong umiikot pero wala man lang nagsasabi sa akin. Agad kong kinuha ang cell phone ko sa drawer at binuksan ang camera niyon para tignan ang itsura ko. Pero wala naman akong nakitang dumi o kakaibang nasa mukha ko para tignan niya ako ng gano'n. Ang weird lang talaga ng babaeng iyon kung iisipin. Alam ko namang may itsura ako pero hindi naman ako gano'n ka-confident sa looks ko. Hindi rin ako gano'n ka-conscious pagdating sa mukha ko. Basta 'pag tumingin ako sa salamin at makita kong maayos ang buhok ko at sa tingin kong okay na ako ay okay na ako. Pero this time bigla akong nag-worry at hindi ko alam kung bakit. Kung iisipin pa ay wala namang bago sa akin. Ganoon pa rin naman ang itsura ko. Hindi pa nga ako nakakapagpagupit ng buhok ko. May kahabaan na rin nga at kailangan na talagang magpagupit. Pero iba talaga ang pakiramdam ko at hindi ko iyon ma-explain kung bakit. Nagulo ang utak ko. Ewan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD