CHAPTER 5

2192 Words
ORLENE Kakapasok ko lang sa kwartong nililinisan ni Marian. Nakita kong nagulat pa ito at napatigil sa ginagawang paglilinis nang makita ako na pumasok. Nagtuloy-tuloy akong naupo sa kamang pinapalitan nito ng beddings. Halos hingal na hingal pa ako at hinahabol ang paghinga ko. Napapahid rin ako ng pawis sa noo ko. Paano kasi ay halos takbuhin ko na ang papunta rito mula sa baba para lang magtago kay Ms. Lovely. Katatapos ko lang gawin ang pinag-uutos nito. At para bang wala itong balak na pagpahingahin ako. Mukhang gumaganti talaga ito sa akin dahil sa naging harapan namin sa locker kanina kaya pinapahirapan niya ako ngayon. Kung ano-ano ang pinag-uutos nito. Kahit na wala naman sa job description ko at hindi ko gawain iyon. Kung tutuusin ay pwede naman niyang ipagawa iyon sa iba. Pero ako talaga ang inuutusan niya. Naiinis lang ako dahil wala akong choice kundi ang sundin ito. Labag man sa loob ko ay kailangan kong sumunod sa kanya dahil supervisor ko siya. At ayoko nang madagdagan pa ang galit nito sa akin kapag hindi ko siya sinunod. Huminga na muna ako hanggang sa tuluyang kumalma ako. Napagod talaga ako sa dami ng pinagawa nito. "Anyare sa 'yo, 'day? Ba't parang hingal na hingal ka diyan?" tanong ni Marian. "Tumakbo kasi ako," sagot ko. "Bakit? May humahabol ba sa 'yo?" "Wala." "Wala naman pala, eh. Adik lang gano'n?" "Pinagtataguan ko kasi si Bruha," sabi ko. "Dito na muna ako." "Ah, kaya naman pala," ani Marian at muling ipinagpatuloy ang natigil nitong ginagawa. "Paano kasi, ang dami niyang inutos sa akin. Paisa-isa pa. Pabalik-balik ako. Akalain mo nakailang akyat baba yata ako mula sa pinakataas na floor hanggang sa ground floor. Potek na 'yan!" naiinis ko pang kwento. "Naku! Mukhang pinagti-tripan ka ng bruha. Halatang binabawian ka niya. Gumaganti talaga siya sa 'yo." "'Yon nga ang naisip ko, eh. Pagod na pagod ako sobra. Pinapahirapan nga niya talaga ako. Kaya hindi na ako bumalik sa kanya matapos kong gawin ang pinag-uutos niya." "Expect mo na 'yan lagi. Lalo pa at nadagdagan pa ang galit niya sa 'yo sa nangyare sa inyo kanina." Napabuntong-hininga na lamang ako. Tama si Marian sa sinabi nito. Mukhang ganoon na nga ang mangyayare sa akin sa mga susunod na araw. Pahihirapan nito ako sa pag-uutos ng mga kung ano-ano. At baka mas malala pa ang maisip nitong ipagawa. Bigla akong napahiga sa kama at napatitig sa kisame. Ang laki ng problema ko tuloy. Napapa-isip na ako ng pupwedeng gawin ko na hindi ako masyadong makita ni Ms. Lovely. At para iwasan ito. Dahil siguradong hindi niya ako titigilan 'pag nakikita niya ako. "Hays! Ba't ba kasi galit na galit siya sa akin? Ano bang ginawa ko sa kanya?" natanong ko bigla sa sarili ko. "Wala talaga akong maalala." "Eh, 'di tanungin mo kaya siya kung gusto mong malaman para naman hindi ka naaning diyan," sabat ni Marian. Gumilid ako paharap sa kanya. "Ginawa ko na nga kanina pero nagsisinungaling nga ang bruha. Ayaw niya akong sagutin. Ayaw niyang sabihin sa akin ang problema kung bakit gano'n ang pakikitungo niya." "'Yan ang mahirap. 'Yong hindi mo alam kung anong ikinagagalit niya sa 'yo. Ang hirap pa naman mag-assume ng dahilan." "'Yon nga, eh. Mabuti sana kung si Madam Auring ako na kayang manghula o 'di kaya si Rudy Baldwin na advance ang mga nakikita. Eh, hindi naman. Nakakainis lang na hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa personal niyang galit sa akin." "Kung ako sa iyo, since alam mong galit siya sa 'yo. Umiwas ka na lang. 'Wag ka munang magpapakita sa kanya. Hangga't maari ay 'yong hindi ka niya madalas makita para hindi ka niya inuutusan." "Para namang hindi niya ako hahanapin at ipapatawag." "Wala na tayong magagawa diyan." "Hay! Nakakainis talaga!" pangigigil ko na lamang. Parang gusto kong umiyak. Wala na talaga akong magagawa pa. Hindi ko rin siya pwedeng pagtaguan lagi dahil siguradong magtataka at makakahalata ito kapag hindi niya ako nakikita. Mukhang hindi pa naman kumpleto ang araw nito 'pag hindi niya ako nasusungitan at iniirapan sa tuwing magkikita at magkakasalubong kami. Imposible ring hindi ako haharap sa kanya kapag magpasa ako ng mga inventory report. Lalo pa ngayong malapit na ang month end. Hahanapin at ipapatawag pa rin niya ako sigurado. Baka mas lalo pa itong pahirapan ako 'pag ginawa ko iyon. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko mula sa kama nang marinig kong may kumatok sa pinto at saka bumukas iyon. Naisip ko agad na baka si Ms. Lovely ito at hinahanap na niya ako. Medyo natakot ako. Baka nalaman na nitong tinakasan ko na siya at andito ako nagtatago. Bigla akong nataranta at magtatago na sana para hindi ako makita pero huli na. Hindi ko na nagawa pa dahil tuluyan nang nakapasok sa loob ang kumatok at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita at makilala ito. Walang iba kundi ang my loves ko na si Sir Lorenzo Clyde. Wearing his suit uniform na bagay na bagay rito. Lalaking-lalaki at napaka-tikas. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Natigilan ako habang nakatingin sa kanya. He's still hot and gorgeous as ever. Kahit na seryoso ito at hindi ngumingiti. Mas nangingibabaw pa rin ang gandang lalaki nito. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras at ang pag-ikot ng mundo ko nang mga sandaling iyon. At para bang kaming dalawa lang ang taong narito sa kwarto. Titig na titig talaga ako sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha niya. Grabe ang pogi talaga niya. Gusto kong tumili sa sobrang kilig pero hindi ko nagawa. Pigil na pigil ako dahil baka magalit ito. Kahit na maraming beses ko na siyang nakikita at nakakaharap ay hindi pa rin nag-iiba ang epekto nito sa akin. Ando'n pa rin 'yong espesyal at kakaibang pakiramdam. Ganoon na ganoon pa rin. Siya lang talaga ang nagpapadama sa akin ng ganito. Just like the very first time that I saw and meet him. Walang nagbago. Napapatulala na lamang ako sa kagwapuhan nito. "Tapos na ba kayong maglinis?" tanong nito nang makalapit sa amin. Hindi ako naka-imik. Para akong naputulan ng dila na nakatayo lang habang nakatingin pa rin kay Sir Lorenzo Clyde. Na-estatwa na ako. Hindi ako nag-abalang gumalaw at nagkunwaring tinutulungan si Marian sa ginagawa nito. "Patapos na rin po, Sir." Narinig kong sagot ni Marian na lalo pang binilisan at nag-concentrate sa ginagawa. Nakita kong sumilip pa ito sa loob ng CR. Sinundan ko lang nang tingin ang bawat galaw nito. Hanggang sa tuluyan rin itong umalis doon at napatigil nang mapadako ang tingin sa akin at nakita ako. Sinalubong ko rin ang tingin niya. "Ba't nakatayo ka lang diyan? Hindi mo tinutulungan ang kasama mo?" seryoso nitong sabi sa akin sa baritonong tinig. Salubong ang mga kilay at nasa mukha ang kaseryosohan. "Ah... ano po kasi, Sir..." nauutal kong sagot. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Ambilis nang t***k ng puso ko. Para akong natutunaw sa mga tingin nito. Pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng isang magic spell at kinokontrol nito. Nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang nangyayare sa akin. "Ayos ka lang ba?" muling tanong nito na parang nagtataka sa nangyayare sa akin. Napatango ako habang titig na titig pa rin sa kanya. "Kung gano'n gumalaw ka na diyan para matapos na kayo. Hindi 'yong parang tuod ka diyan. Tulungan mo ang kasama mo. Bilis na!" Sabay pitik pa nito gamit ang mga daliri na dahilan para makarinig ako ng tunog na tuluyang nagpabalik sa akin sa katinuan ko at nataranta ako bigla. "Opo, Sir Lorenzo Clyde. Pasensya na po," nasabi ko na lamang at nakipag-agawan pa ako kay Marian sa bed sheet na hawak nito. "Pinapasweldo kayo para magtrabaho, hindi para tumunganga lang. Ayoko nang makita kayong pumepetiks. Tandaan niyo 'yan. Last warning ko na 'to sa inyo. Kapag mahuli ko pa kayong pumepetiks hindi na ako magdadalawang-isip pa na tanggalin kayo pareho." "Opo, Sir," sabay pa naming sagot ni Marian. "Babalikan ko kayo. Dapat pagbalik ko ayos na 'tong kwarto at wala na kayo rito. Naiintindihan niyo ba?" ani Sir Lorenzo Clyde. "Maliwanag po, Sir," sagot ko. At tuluyan na nga itong tumalikod at tinungo ang pinto para lumabas. Nang tuluyan itong nakaalis ay napabitaw na lang ako sa bed sheet na inagaw ko kay Marian at tumumba sa kama para humiga. "Hoy! Bumangon ka nga diyan," ani Marian sa akin. Pero sa halip na makinig at sundin ito ay hindi ko siya pinansin. Hindi ako nag-abalang tumayo. Para akong nakahinga ng maluwag. May mga ngiti rin na nabuo sa mga labi ko dahil finally ay tinignan na rin ako ni Sir Lorenzo Clyde. Hindi lang tingin kundi tinitigan pa niya ako. Napansin niya rin ako sa wakas. Oh my God! Tuluyan ko nang pinakawalan ang kanina ko pang tili na gustong kumawala sa bibig ko. Sobrang saya ko. Antagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, ang tignan at mapansin niya ako. At heto na nga. Nangyare na nga siya. Parang hindi ako makapaniwala. Nasanay na kasi akong hindi man lang ito tumitingin sa akin sa tuwing binabati ko siya o nagkakasalubong kami. Masyado kasi itong seryoso at parang walang nakikita. Deadma lang ito lagi. Kaya ganito na lamang ang nadarama ko. Ganito pala ang pakiramdam 'pag pinansin ka nang taong gustong-gusto mo. Sobrang sarap sa feeling. Wala na akong pake kahit na nasita at napagalitan ako. Ang importante naman ay tuluyan na niyang na-acknowledge ang presence ko. Nakita na niya na nag-e-exist ako. At super achievement iyon for me. Hindi ako tumigil sa kakatili dahil sa kilig na nararamdaman ko. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama dahil sa sobrang saya ko. Dinaig ko pa ang naka-jackpot sa isang game show. "Aray!" daing ko nang maramdaman kong may humampas sa ulo ko. Tuluyan akong tumigil at nakita ko si Marian na hawak ang isang unan at hindi na maipinta ang mukha. "Buwesit ka! Bumangon ka nga diyan. Tignan mo ang ginawa mo," inis niyang sabi sa akin. Masyado akong nadala sa emosyon ko at nawala sa isip ko. Saka ko lang din narealize ang hinihigaan ko. Nakita kong tuluyan na ngang nalukot ang beddings na nakalatag sa kama na kanina pa nitong inaayos. Napabangon agad ako. "Sorry, 'day!" nasabi ko saka nag-peace sign sa kanya. Lukot na lukot talaga iyon at kitang-kita talaga ang gusot. Para bang iisipin ng guest na may gumamit na niyon at hindi man lang pinalitan 'pag nakita. "Tignan mo ang ginawa mo. Nalukot na. Sasabunutan na talaga kita," ani Marian. "Pasensya na talaga, 'day. Na-carried away lang ako kay Sir Lorenzo Clyde." "Pasensya-pasensya. Dinadamay mo pa ako diyan sa kalandian mo, eh. Mawawalan pa ako ng trabaho dahil sa 'yo," inis pa ring sabi ni Marian. "Sorry talaga, 'day." Medyo nakonsensya ako dahil sa nagawa ko. Naperwisyo ko pa ang trabaho nito. "Leche! Wala pa naman akong extrang dalang beddings na ipapalit dito sa pinaggagawa mo. Hays! Ano ba 'yan?!" aniya na halatang na-bad trip na. "Babalik pa maya-maya si Sir Lorenzo Clyde. Patay ako nito." "Hindi ko sinasadya talaga, 'day. Teka, pupuntahan ko si Sandra sa kabila baka meron siyang dalang extra. Babalik ako," sabi ko. "Bilisan mo na. At baka biglang bumalik si Sir Lorenzo Clyde." Tuluyan akong nagmadaling lumabas ng kwarto para pumunta sa kabila kung saan naman naroon at naglilinis si Sandra. Halos patapos na rin ito sa ginagawa nang mapasukan ko. Nagulat pa itong makita akong sumulpot. "Oh, ba't andito ka? Tapos na bang pinapagawa sa 'yo ni Ms. Bruha?" tanong ni Sandra. "Oo, kanina pa," sagot ko sa kanya sabay dako nang tingin sa mga linen na naroon. "'Day, may extra beddings ka pa ba diyan?" "Meron pa naman. Bakit?" "Pahiram nga muna. Kinulang si Marian sa kabila," pagdadahilan ko. "Papalitan ko na lang mamaya 'pag baba ko." "Okay, sige, naandyan. Kunin mo na lang," anito. "Salamat." At mabilis ko nang kinuha ang sadya ko at saka lumabas para bumalik kay Marian na nasa kabilang kwarto. Kailangan ko nang magmadali dahil baka biglang bumalik na si Sir Lorenzo Clyde at maabutan pa kami na hindi pa rin tapos. Ayokong matanggal sa trabaho. Ayoko ring madamay pa si Marian kung sakali dahil sa kagagahan ko. Imbes na patapos na ito, eh. Lalo pa itong napatagal nang dahil sa akin. Pagkabalik ko ay tinulungan ko na rin siya para mabilis naming maayos ang kama. "Ayan na, tapos na!" sabi ko nang matapos naming ipatong ang pinakahuling layer ng bedsheet ng kama. "Ewan ko sa 'yo," saad naman ni Marian na halatang inis at nagtatampo pa rin. "Tara na! Lumabas na tayo," dugtong pa nito at binitbit ang mga beddings na nalukot kanina dahil sa ginawa kong paggulong-gulong sa kama. "Galit ka ba? Sorry na!" Pero wala na akong narinig pa na tugon mula kay Marian sa halip ay nauna na itong nagtungo sa pinto at lumabas ng kwarto. Iniwanan talaga niya ako. Tampururot talaga ang loka. Aminado naman akong kasalanan ko at hindi ko naman sinasadya. Masyado lang talaga akong nadala. Napilitan na lang din akong lumabas at sundan ito bago pa ako abutan ni Sir Lorenzo Clyde na tiyak ay pabalik na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD