•Janifer• Pagkapasok ko ng bahay ay agad na hinanap ng mata ko si Tresea. Wala ito sa unang palapag kaya sa tingin ko ay nasa itaas ito o nasa likod bahay. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahan na naglakad sa hagdan, para hanapin ito. "Oh, Janifer! Nakauwi na pala kayo nasaan si Louie?" nagagalak nitong tanong pagkakita sa akin. Hindi ko muna siya sinagot hanggat hindi ako nakakapatong sa panghuling baitan ng hagdan. Nang masigurado ko na malayo ako sa kapahamakan, ay agad akong lumapit dito. Ayaw kong pangunahan si Peja kaya kakausapin ko lamang ito, tungkol sa nararamdaman niya para sa asawa ko. "Tresea, gusto ko lang sana ng deretso at maayos na usapan. May gusto ka ba sa asawa ko?" mahinahon ang boses ko habang tinatanong iyon sa kanya. Wala naman kasi akong mapapala kapag sumig

