•Janifer• Nasa sala kami pareho ni Tresea, walang naglalakas-loob na basagin ang katahimikan. Nasa kwarto niya ngayon si Peja at nagbibihis, sasama daw siya mamaya sa check-up ko. Akala ko ay makakalimutan na niya ang sinabi niya sa akin. "Janifer, paano kayo nagkakilala ni Peja? Kasal ba talaga kayo? Bakit di ko alam na ikinasal kayong dalawa?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Tresea. Sinalubong pa nito ang tingin ko para bang may nais siyang patunayan. Lumunok ako para mawala ang bikig sa aking lalamunin, dahil sa kaba na dala ng tanong nito. Ano naman ang isasagot ko sa kanya? Na inakit ko si Peja kaya ako pinakasalan nito? Na ginamit ko lamang ito para makabayad sa utang ng aking ama? Wala akong mahanap na pwedeng isagot sa kanya, lalo na at hindi ako pinakasalan ni Peja dahil mah

