•Janifer• Ramdam ko yung bigat ng kamay ni Peja na nakayakap sa aking hubad na katawan. Walang pagsidlan ang saya ko ngayon, nagising ako na katabi ko pa rin si Peja sa aking kama. Kadalasan ay nauuna itong magising at lalabas na ng kwarto, o di kaya'y aalis ito kaagad pagkatapos naming magsiping. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking kamay para pahiran ang aking luha, na nangingilid sa aking mata. Pero natigil rin iyon sa ere nang halikan ako ni Peja sa aking batok. "Ang aga mo namang gumising, bi," sambit nito sa namamaos na boses, hindi pa rin ito natatapos sa paghalik sa ulo ko at nararamdaman ko na naman ang pagpisil niya sa aking dibdib. "Peja, wala ka bang trabaho?" Ungol lang nito ang naririnig ko, tinanggal ko ang kamay nito at nilingon siya. Ginawaran ko siya ng halik sa panga

