•Janifer• Anim na buwan ang lumipas, nasa hospital ako ngayon. Kahapon pumutok ang panubigan ko, ngunit hanggang ngayon ay di pa rin lumalabas si baby. Ilang buwan ang nagdaan ngunit walang Peja na naghanap sa akin. Mapait akong napangiti, hindi na pala iyon babalik sa akin. Masaya na ito kasama si Tresea, may mga larawan akong nakita sa IG ng babae na nagpaguho ng paniniwala ko na babalik pa siya sa akin. "Nurse, sumasakit na po ang tiyan ko," sambit ko. "Sa tingin ko ay lalabas na si baby," saad ko ulit. "First baby po, ma'am?" tanong nito. Agad akong tumango at napahawak sa aking tiyan. Mabilis naman nitong tinawag ang doctor na magpapaanak sa akin. "Mommy, sisimulan na po natin." saad nito, bago lumingon. "Wala po ba kayong ibang kasama?" tanong niya, na ikinailing ko. Gusto ko

