•Peja• Inayos ko lang ang mga bagahe ko at lumabas na ng villa. Hindi pa ako nakakasakay sa aking kotse, nang makita ko ang aking mga kaibigan. Kasama nila ang kanilang mga nobya, at si Daniel naman ay buhat-buhat si Bordek. "Ang bilis niyo ah? Si Flash kayo, ganon?" Tumawa naman silang lahat sa sinabi ko at lumapit sa akin para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Napangiti ako at yumakap na rin pabalik sa kanila. Kasama ko sila sa paghahanap kay Janifer, kaya na alam kung natutuwa rin sila na makita ko ang aking asawa. "Mag-iingat ka, atsaka huwag mo ng pakawalan 'yan. Iyak ka naman ulit hahaha." Binatukan ko si Alwin, at nagpaalam na sa kanila. Kailangan ko nang magmadali para mas mabilis akong makarating. Kumakanta ako habang nagda-drive papuntang MadGen Airport. Napakunot ang

