•Peja• Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa aking kamay. Alam ko na nakadilat ang aking mata, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit madilim pa rin ang paligid. "Gising ba ako? Bakit ang dilim ng paligid?" Iyon ang unang namutawi sa aking labi. Nagbabakasakaling may kasama ako sa loob ng kwarto, at masagot ang tanong ko. Nasaan ang asawa ko? pupuntahan ko dapat si Janifer diba? Gulong-gulo ang isipan ko bukod sa dilim lang ang nakikita ko, ay di ko pa narinig ang tinig ng aking asawa. "Louie, Calm down." Boses iyon ni Zeke, nanigas ako ng maalala ang nangyari kanina. May humarang pala sa kotse ko at nagpaputok ng baril. Nasa hospital ba ako ngayon? "Anong nangyari sa akin? Bakit hindi ko kayo makita?" kinakabahan kong tanong. "Pare, hindi namin alam kung ano ang

