•Janifer• "Mommy, picture po tayo!" Nakangiti kong tinanguan si Louie, kasunod nito si Sania na takbo-lakad ang ginagawa. Nasa may parke kami ngayon, gusto kasi niya na pumunta rito para maglaro. Limang taon na ang lumipas, napalaki ko naman ng maayos si Louie. Sobrang hirap ng buhay, ngunit kahit ganoon ay naging masaya naman ang pamumuhay namin. Sa mall ako nagtra-trabaho bilang isang merchandiser. "Mommy, bakit may daddy po sila?" Itinuro nito ang katabi naming pamilya. Hinaplos ko lamang ang buhok niya at kinuha ang camera sa kanyang kamay. Hinintay ko lang na makalapit sa amin si Sania, para makakuha na ng litrato. Ramdam ko pa rin ang tingin ni Louie sa akin. Gusto talaga nitong malaman ang tungkol sa ama niya. Matagal na niya rin tinanong ang tungkol doon. "Gusto ko rin po ma

