•Janifer• Linggo pa lang ang lumipas ngunit halatang-halata na ang pagbabago sa katawan ni Louie. Masakit para sa isang ina na makita ang anak mo na umiiyak, dahil sa sakit na nararamdaman. "Anak, pagaling ka na by," saad ko. "Sana ako na lang ang nagkasakit, kung pwede ko lang akuin ang sakit mo." Pinahid ko ang luhang naglandas sa aking mata, nang maramdaman ko ang pagtapik ni Sania, sa aking balikat. Hindi ko alam kung paano ko sila papasalamatan ni Coul. Silang dalawa ang kasama kong nagbabantay kay Louie. "Mommy, iyak ka po?" marahan na tanong ng anak ko. Kinagat ko ang aking labi at umiling. Inalis naman nito ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay, at idinampi iyon sa aking pisngi. "My, huwag ka na pong umiyak. Kantahan niyo na lang po ako ng paborito niyong kanta." Napalunok a

