•Peja• "Tresea, anong nangyari sayo? Bakit hindi ka nag-iingat?" Nakamot ko ang aking noo sa sobrang pag-aalala sa kanya. Tumawa naman ito kasama ang doctor na naabutan ko. "Your wife is okay. Calm down," natatawang sabi ng doctor. "I'm not her—" "Ganyan po talaga ang asawa ko, mabilis lang po siyang mag-alala. Pagpasensyahan niyo na po pero diba ang cute niya?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Tresea, sigurado akong nag-away na naman ito at si Sebastian. Ang asawa sana nito ang sumusundo sa kanya ngayon at hindi ako. Nag-aalala rin ako kay Janifer at baka umalis ito ng walang paalam, lalo na at may problema rin ito. "Tara na, Peja?" Tiningnan ko si Tresea, tapos na ba ito? Maayos na ba ang kalagayan nito. Tumango lang ako at inalalayan siya, bago nagpaalam sa doctor na sumuri di

