•Janifer• Hindi ko na hinintay si Peja na pagbuksan ako ng pinto, mabilis akong lumabas nang makita ko si Trix at Soreen sa labas ng gate. "Magkasama kayo? Akala ko ba di kayo magkaayos, saan kayo nagpunta?" Sunod-sunod na tanong ni Trix sa akin nang mayakap na ako nito. Sasagot pa lang sana ako nang maramdaman ko ang malakas na paghila sa akin palayo sa katawan ng kaibigan ko. "She's my wife, man." Dumagundong ang baritonong boses nito sa tahimik na lugar. Lumingon ako sa kanya para sana sawayin ito, ngunit umiigting na ang panga nito, siguradong galit na naman ito. Hindi naman kumibo si Trix, kaya agad kong ibinaling ang tingin kay Soreen na may ibang kislap sa mata. May gagawin na namang kalokohan ang dalawang to tsk. "Kaibigan namin siya, matagal na niya kaming kasama kaya normal

