•Janifer• Nasa loob ngayon ng OR ang mag-ama ko, parehong lumalaban para mabuhay. May tiwala ako sa doctor nila, bukod sa magaling iyon, kaibigan rin ni Peja, si Sven. Nasa may maliit ako na chapel ng hospital. Nanalangin na maging maayos ang operasyon ng mag-ama ko. "Janifer, halika na. May balita na si Doctor Sven." Mula sa pagkakaluhod ay mabilis akong tumayo at naglakad palapit sa kanila Aleister. Kailangan pa naming umakyat sa pangatlong palapag ng hospital, dahil naroon ang VIP rooms. Pagkarating namin ay agad na bumungad sa akin ang matamlay na mukha ni Sven. Hindi ko alam kung pagod ba ito, o may nangyaring masama. "Successful ang-" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Sven at agad itong niyakap. Tumutulo pa ang luha ko sa sobrang tuwa sa balitang narinig. Naghiyawan nama
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


