•Peja• Nakahiga na kami ngayon sa kama. Nakaunan si Janifer sa braso ko at nakaharap naman ako sa kanya. Naalala ko tuloy 'yung dati, ramdam ko ang init ng katawan nito, ang sarap sa pakiramdam. Ibinahagi ko sa kanya kung paano nakulong si Cashmeire. At walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko nang makita ko ang malapad niyang ngumiti habang nakatingin sa akin. "Alam kong si Lavirthi ang may gawa non!" naiinis kong saad. Hinawakan naman kaagad niya ang aking kamay para pakalmahin ako. Ito ang epekto ni Janifer sa akin. Wala pang isang minuto ang galit ko ay napapakalma na niya ako. Nabago ako ng babaeng dating kinaiisan ko. Ang babaeng ginawa ang lahat para pagkatiwalaan ko. Ang babaeng mahal na mahal ko. "May tiwala ako kay Coul. Tinulungan niya kami ni Louie, para mapagamot ito." Nan

