•Janifer• "Dalhin niyo muna siya sa bahay ko, may babalikan lang ako sa loob," saad ni Peja. Hinila ako nito palabas ng villa kanina. Hindi naman ako nagreklamo, gusto ko rin na makausap siya. "Sigurado ka ba dito, Peja?" tanong ni Jiro. "Baka pasabugin ng mafia boss, na iyon ang bungo namin." Binatukan naman ito ni Craige at nauna ng sumakay sa kotse. Kumunot ang noo ko, pupunta ba talaga kami sa bahay ni Peja? Pwede naman kami ditong mag-usap, kailangan ko ring umuwi dahil naghihintay ang anak namin. "Ako na ang bahala sa lalaking iyon. Siguraduhin niyo lang na makauwi ang asaw ko, sa bahay namin." Tumingin sila sa akin, bago tumango kay Peja. Alam ko naman na mababait ang mga kaibigan nito, ngunit kinakabahan pa rin ako. Matagal ko rin silang nakita at di nakasama. Iniwan ko rin

