•Peja• Tumahimik ang buong paligid pagkalabas ni Tresea ng bahay, tanging ang mahinang paghinga at ang ingay ng tumitibok naming puso ang naririnig ko. Humigpit ang pagkakayakap ko kay Janifer, kahit ganito lang kami buong araw ay masaya na ako. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon, kasama ang asawa ko at ang magiging anak namin. "Peja, salamat." Mula sa kanyang bewang ay itinaas ko ang aking kamay, para haplusin ang nakatagilid niyang mukha. Hinawakan ko ang baba nito para patingalain siya at ng magkasalubong ang aming mga mata. "Salamat rin sa pag-intindi sa akin, at sa paghawak sa aking kamay kahit nahihirapan ka na. Salamat at hindi mo pa rin ako binibitawan sa kabila ng mga ginawa ko sayo." Pinahid ko ang tumulong luha sa kanyang pisngi at hinalikan ang noo nito. "Dahil nagkamal

